Chapter 7

64 6 0
                                    

We do things that can either result to good or bad because of our own perception of happiness.

______________________________________

Mikaiela's POV



Iika ika akong nagcommute papunta sa condo ni Hestia. Anong oras na? malay ko, patay na phone ko. Ang himbing ng tulog ni Theo ngayon, ginising nya kasi ako ng 4am para 'umisa pa'. I rolled my eyes and smiled at the thought of that. Palakad palang ako sa elevator nang may pamilyar akong taong nakita na nagaabang sa elevator.






"Hoy bakla, inumaga ka na"





Ang nag-iisang si Hestia nanaman po ang nakita ko. Kitang kita ko sa cleavage nya ang mga hickies nya at iika ika din ang lakad ni gaga. Confirm.





"Coming from you ha? first time mo mag walk of shame?"

"Tumigil ka, makikiligo sana ako sa condo mo. Ang sakit masyado ng katawan ko-"







At wala pa ngang isang segundo hinampas na ako ng gaga sa braso. Ano ba tong hija de puñeta na to? kakasabi ko lang na masakit katawan ko ha?








"OMG BAKLA!!!!! KAMUSTA???? MASARAP DIBA?"







Nag-iinarte pa ako sa pinaggagawa nya dahil hyper na hyper ang malantod kong kaibigan na ngayon ay abang na abang sa sasabihin ko. Hinawi ko yung buhok ko sa likod ng tenga ko sabay sabi ng...





"oo hehe"






At hindi na magkandaugaga ang babaita sa nalaman nya. Para bang hiniling nya sa bawat nilalang na mayroon sa sangkalupaan na makaranas ako ng sex. Well, nagkatotoo naman ang kahilingan ng bakla. Ang dami pang bonus.






"Eh ikaw? kamusta yung Malcolm ba yun?"

"Ah si Malcolm ba? matagal ko na syang friend, siguro mga 7 years na. Pero we're just friends virtually"







Masakit parin ang thighs ko at ang balakang ko from what I did last night but thankfully, hindi naman ako nabalian at wala namang nasira sakin bukod sa perlas ng silanganan ko.






"Bakla, pacharge na rin pala. Drain na drain yung battery ko from last night"



"I know someone na drain na drain din from last night"





Kinurot ko nalang sa tagiliran si Hestia dahil sa pang-aasar niya. Pasalamat siya at siya lang nasasabihan ko ng ganito dahil si Empress at si Ayeka ay malayo pa sa kabihasnan ang kaalaman pagdating sa ganitong mga bagay.








Nakarating kami sa condo ni Hestia at pinauna niya ako sa banyo. Nakita kong alas sais palang pala ng umaga at laking pasasalamat ko na alas nwebe ang shift ko today sa Hospital. Makakapagpahinga pa ako saglit. Pumasok ako sa banyo ni Hestia na white marble ang lapag at white din ang walls pero magmula sa sink, toilet, bidet, shower, at bath tub black lahat. Pati toothpaste hanggang towel black din. Ibang klase talaga pagkahilig nitong babaitang to sa itim, ang shala na masyado.








Nagbabad pa ako ng bahagya sa bath tub nya using her milk bath bomb at nagpatugtog na rin ako. Since pinalagyan nya ng waterproof sound system yung kwarto nya. Sobrang arte diba? I adjusted myself in the temperature to make sure that I'm not sore after taking a bath.









I used her almond and vanilla scrub and honey milk shampoo. Sobrang hilig talaga niya sa ganitong amoy, yung ang tamis masyado na amoy vanilla. I even used her perfume, clothes, at lotion. Nangangamoy chocolates and vanilla tuloy ako. I scanned my body and noticed that Hestia's clothes complimented my body. Hindi naman kasi ako mahilig magsuot ng skirts sa trabaho pero she gave me this leather skirt na four inches above the knees at black lace bustier over a white sheer blouse. Pati nga red pumps, sya ang sumagot. Taray ng pedia oh, san punta self?











Lumabas ako nang closet and vanity ni Hestia nakaamoy ako ng masarap na pagkain. Nagluluto na nga po ng agahan ang babaita. She was smiling as she placed black coffee in front of me sa table and a french toast with bacon. She placed a saucer of maple syrup and then placed a plate of freshly chopped fruits. Bakit kaya iniiwanan to?








"Ang alaga mo masyado bakla ha, bakit ka kaya iniiwan?"






Muntikan na akong mabilaukan nang makita kong sumama ang tingin niya sakin. Walang makakatalo sa umagahang pang-aasar sa kaibigan ang umpisa.






"Pero di nga? bat ka kaya iniiwanan"  pang-aasar ko lalo sakaniya. Di naman mapinta ang mukha nya, ibig sabihin lang nun effective ang pbubwisit ko sakaniya.



"Pasalamat ka di ko nilagyan ng lason pagkain mo" sagot nya na may halong pagkairita. Yan ang gusto kong makita.



"Maalaga ka naman... Mabait..." itutuloy tuloy ko pa to para lalo lang siyang mabwisit.



"Magtigil ka Mikaiela Sasha ha, palibhasa nadiligan may gana ka na mang atake? aga aga ha" Ngumiti ako sa sinabi nya at nagsimula na kaming kumain ng tahimik. Paano, nakatulala ang gaga.








Nauna pa akong matapos kumain kaysa kay Hestia, ano pa bang bago? magmula ng nakilala ko yan ganyan na yan kabagal kumain. Inintay ko siyang matapos kumain at niligpit ko na kinainan namin. Naligo naman siya habang naghuhugas ako ng pinagkainan, sakto alas siete palang. May time pa ako para manood ng TV.








Iniintay ko nalang matapos si Hestia sa pagbibihis dahil puno na rin naman ang battery ng cellphone ko. Siya maghahatid at magsusundo sakin dahil iniwan namin yung sasakyan ko sa parking lot dun sa bar kagabi. Panindigan niyang nakisakay lang siya sakin.






"Bakla ano ba naman yang buhok mo, ayusin ko nga" sabi ni Hestia na may dalang curler at hair spray.

"Hestia pedia ako, papasok ako sa trabaho ganito pinasuot mo sakin" pagrereklamo ko sakaniya.

"Sasha magtigil ka bagay naman sayo, hindi ko alam kung ano pinuputok ng butsi mo" sagot nya habang inaayos yung buhok ko.

"Tsaka teka nga, bat wala kang ayos? mag-ayos ka nga ng mukha. Akin na ayusan kita" sinimulan niya akong lagyan ng make-up na simple lang pero ang lakas maka fresh.











Hindi pa kasi ako masyadong magaling mag make up kaya basic lang alam ko. Hindi ko alam paano maghigh light ng features sa mukha. Nilagyan nya ako ng simpleng cat liner at mascara. Hindi niya ako nilagyan ng kahit anong kulay sa mukha kundi pulang lipstick lang. Lalong naging prominente ang labi ko sa itsura ko dahil ito lang ang labas na labas ang kulay.







"Oh, tago mo muna to. Di ko naman ginagamit, ang dami dami kong red lipstick. Pang retouch yan, kung sakaling magkita kayo ni BOSS tapos magmeet din mga ari nyo" binatukan ko sya sa pinagsasabi niya at umalis na kami ng condo niya.










She dropped me at the hospital at dederetso na sana ako sa floor ko nang pigilin ako ng mga colleagues ko.




"Oh anong problema?" tanong ko sakanila, mga naka ayos naman sila pero bakit sila natataranta magpaganda?

"Wala daw tayo ngayong tatanggapin, first day daw ng co - executive kaya magmamanman lang daw siya. Hindi namin nabasa yung email kaninang madaling araw, kailangan daw presentable. Buti ka pa nga doctora nakaayos ka na".

"Teka, sino ba yung co - executive?" tanong ko na punong puno ng pagtataka.

"Si..."






_______________________________________

Balik nalang ulit ako after one month, HAHAHAHAHA CHAR!

XOXO,
Heather

Fallen Angel (SBB Season 1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon