Chapter Two

11.2K 244 23
                                    

"And you agreed to that condition?!" nanggigigil na sambit ni Corinne, "Ano ka ba naman, Lawrence? Akala ko ba gusto mo nang iwan si Kristinne? Bakit ngayon pumayag ka sa kondisyon niya?" 

"Tone down your voice, Corinne. You wouldn't want to draw attention to yourself, would you?" ani Lawrence at pinagmasdan ang kasintahan as she tried to reign in her emotions. 

They were at a restaurant kasi doon niya sinabi na magkita sila. Kumunot ang noo nito nang makita siyang walang dalang bagahe. At parang naging permanente na ang pagkakakunot noon nang sabihin niya ang condition ni Kristinne para hindi na nito pahirapan ang pag-process ng annulment. 

Ngayon ay nagpupuyos ito sa galit dahil sinabi niya na pumayag siya sa hinihingi ng asawa. Parang hindi naman kasi ganoon kahirap, kung tutuusin, ang pinapagawa nito. 

Ginagap niya ang nakakuyom na kamay ni Corinne at ikinulong iyon sa mga palad niya, "Hon, it would only take three weeks," malumanay ang boses niya nang sabihin iyon. 

"Three weeks! Three weeks kang masosolo ng babeng yon! Three weeks na walang communication sa 'kin?! Three weeks of not seeing me?! Three weeks, Lawrence! At ang nakakainsulto pa don ay ang pumayag ka sa kagustuhan niya!" malakas pa rin ang boses ng dalaga kaya't ang ibang mga customers ay napapalingon na sa kanila. 

"Honey, hindi naman 'yon kalabisan, eh. It's just three weeks. After that, habambuhay na tayong magsasama. At saka, if papayag ako, hindi na tututol si Kristinne with the annulment. That way, mapapabilis ang proseso no'n. Then we're free to get married once all of that's done." Aniya sa nagpapaunawang boses. 

Kita niyang tumatalab dito ang sinasabi niya. Mukhang may iniisip at bahagya nalang ang pagkakakunot ng noo. Dahil hindi na nagsasalita ang dalaga, itinaas na ni Lawrence ang kamay para sana makapag-order nang bigla itong lumingon sa kanya. 

"I'm going with you," anito. 

Siya naman ang napakunot ang noo, "What are you talking about?" 

"Sasama ako sa'yo and I'll be staying there for the whole duration,"

"HELLO, DEAR COUSIN," mapang-uyam na bati ni Corinne nang buksan niya ang pinto. Katabi nito ang magaling niyang asawa na hindi makatingin sa kanya. 

Hindi inexpect ni Kristinne ang tindi ng galit na naramdaman niya nang makita kung sino ang mga taong nasa kabilang panig ng pinto. Pero pilit niyang tinago iyon dahil ayaw niyang magpakita ng kahinaan sa harap ng dalawa. Showing any form of weakness would make the bitch in front of her the victor. Nakuha na nga nito ang asawa niya kaya hindi niya mapapayagan na pati ang pride niya ay mawawala. 

"Ano ang ginagawa mo dito?" tanong niya sa mababang tinig na ang tingin ay nakatutok kay Corinne.  

"Why, Cousin, you look so gloomy. Nakatulog ka ba ng maayos?" 

Bago pa siya makasagot ay sumabat si Lawrence. 

"Please, let's take this inside. Huwag nating ipangalandakan ang problemang 'to sa labas," 

Nilingon niya ang lalaki and wanted to laugh out loud at his hypocrisy. 

May hiya pa palang natira sa katawan mo, Lawrence? Gusto niyang isatinig 'yon pero pinigilan pa rin niya. She may not be able to stop once she'd start lashing out at them. At ayaw niyang mag-stoop down sa level ng mga traidor na 'to. 

Tinalikuran niya ang dalawa at nauna nang pumasok. 

"Uulitin ko, anong ginagawa mo rito, Corinne?" tanong niya pagkasarang-pagkasara ng pintuan. 

"Bakit? Hindi na ba ako puwedeng pumasok sa bahay na 'to? As far as I remember, tumira din ako dito, di ba?" ang sagot nito na nakataas pa ang isang kilay. 

The Shattered Vow Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon