Chapter Seven

9.5K 217 29
                                    

"Oh, babe, I wouldn't know what to do without you. Ano ba ang dapat kong gawin para manatili ka sa tabi ko hanggang sa pagtanda natin?" bulong niya dito bago hinalikan ang tuktok ng ulo nito.

They just made love and were basking in the aftermath. He loved the feel of her sweat-slicked naked body touching his. He felt at home just holding her in his arms that way. Mas gugustuhin niyang manatili sa ganoong posisyon habambuhay.

Narinig niya ang mahinang tawa nito at naramdaman ang marahan nitong paggalaw. Inangat nito ang ulo mula sa pagkakasandal sa kanyang dibdib at tumingin sa kanya. He breathed in the sight of her. May mabining ngiti sa mga labi nito habang nakatuon sa kanya ang atensyon.

"You only have to love me, Lawrence. That's all," ganting bulong nito.

I held her face in my hand, reached out, and sought her lips, "I love you, Kristinne."

Tinugon nito ang halik niya at ipinalibot ang mga braso sa kanyang leeg deepening the kiss in the process, "I love you too,—"

"Lawrence, gising na. Kakain na. Hinihintay ka na ng mga bata sa baba," putol ng isang boses sa panaginip niya.

Dahan-dahan niyang ibinuka ang kanyang mga mata at tumumbad sa kanya ang mukha ni Kristinne. Nakatunghay ito sa kanya.

"Kristinne," usal niya.

Some strands from her hair framed her face. Gusto niyang abutin iyon and tuck it behind her ear pero pinigilan niya ang sarili. Nakatingin ito sa kanya na mukhang hinihintay siya na tuluyang magising.

"Halika na,"anito at tumayo na mula sa pagkaka-upo sa gilid ng kama, "Naghihintay na ang mga bata. Ayaw kumain ng wala ka."

Nang kumilos siya pabangon ay nagpati-una na itong lumabas ng guest room. Sunundan niya ng tingin ang papalayon likod nito. At 'di niya naiwasang balikan ang panaginip. Kumirot bigla ang puso niya. May kung anong puwersa na parang pumipiga nito. Nasa balintataw pa rin niya ang nakangiting mukha ni Kristinne sa kanyang panaginip, only, it wasn't a dream. It was a flashback.

Ipinilig niya ang ulo at agad na sumunod dito. Ayaw niyang paghintayin ang mga bata, lalung-lalo na si Pepper. Mailap pa rin ito sa kanya. Kung nasa iisang lugar lang silang apat ay palagi itong nakakapit sa ina. Sumasagot naman ito kapag kinakausp niya kaya lang ay tango o iling lang ang ibinibigay nito. Ayaw man niyang aminin pero nasasaktan siya sa inaakto ng anak.

Did he deserve it? tanong niya sa sarili.

Binalikan niya ang mga nagdaang buwan and he remembered. He remembered passing off his kids to their grandparents for most of the time in those five months. Pinapaalagaan niya ang mga ito sa ibang tao dahil daw may importante siyang mga kliyente na kinakailangan pa raw niyang puntahan sa ibang probinsya as his alibi. When in fact, he spent those times away from his children living like a bachelor again and being unfaithful to his wife. He was a selfish and hateful bastard.

He had a lot to make up to the twins. Hindi man lang niya naisip na wala na nga sa tabi ng mga ito ang ina, pinabayaan pa sila ng sariling ama.

Pagkababa niya ay maririnig na ang mga boses ng mag-iina mula sa kusina. They had a dining room but they usually have their meals in the kitchen. They found it more intimate to eat at the place where they cook their meals, lalung-lalo na kung wala ang mga katulong. He and Kristinne thought it would bond them closer as a family. And the kids loved the idea.

It would bond you closer as a family? Ang kapal mo, pare! Wala kang karapatang tawagin sila bilang pamilya. You just lost that right, diba? kastigo ng isang parte ng isip niya.

The Shattered Vow Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon