Chapter Six

9.4K 189 21
                                    

The number you dialed is busy at the moment. Please try your call later. The number you dialed is busy at the moment. Please try-

Hindi na pinatapos ni Corinne ang sinasabi ng automated message ng telepono nang padaskol niyang tinapos ang tawag niya. Malakas niyang ipinatong sa mesa ang cellphone ng dahil sa inis. Nabubwisit na siya. Kanina pa siya tawag nang tawag kay Lawrence pero parati namang walang sumasagot.

It's either naiwan ni Lawrence ang phone sa kung saan o kinonfiscate ng ambisyosang babaeng yon ang phone ng huli.

"Girl, dahan-dahan lang. Baka masira agad ang phone mo. Kakabili mo lang niyan diba?"

Binalingan niya ng tingin ang kaibigang si Anita na nagsalita. Napataas ang isa niyang kilay nang makita ang ginagawa nito. Nagbigay nga ito ng advice pero hindi naman nakatingin sa kanya. Abala itong nagre-retouch ng makeup, ang mga mata ay nakatuon sa salamin ng compact powder nito.

"Bakit ba ang init-init ng ulo mo ngayon, ha? Akala ko ba nandito tayo para mag-enjoy kasi nga nababato ka na sa bago niyong apartment?" pagpatuloy nito at niligpit na rin ang lipstick at compact powder. Nilingon siya na nanunukso ang tingin, "Kamusta na nga ba si loverboy? Magaling pa rin bang magpa-ungol?"

Hindi niya maiwasang simangutan ito nang maalala niya na naman kung saan nandoon si Lawrence. Nabubwisit talaga ako! Shit!

"Paano ako mapapa-ungol non kung wala naman siya sa tabi ko?" aniya.

"Oh, eh, bakit? Nasaan ba ang lalaki mo?"

"Nandoon! Nandoon sa magaling niyang asawa!"

"Ha?!" panlalaki ng mga mata nito, "Eh, bakit mo pinayagan, bruha?!"

"Kasi yon ang hiniling ng magaling kong pinsan. Kung papayag daw si Lawrence na tumira sa bahay nila ng tatlong linggo ay papayag na siya sa annulment. Hindi na raw siya tututol at hahayaan na niya kaming dalawa ni Lawrence. Bitch! Napaka-ipokrita talaga! Bwisit!"

"Anong say naman ni loverboy sa kasunduan na yon?"

"Pumayag ang lintik! Kesyo daw para sa mga bata. Para daw hindi mahirapan ang mga ito sa pag-cope-up sa mangyayaring hiwalayan ng kanilang mga magulang. At para na rin daw mapabilis ang proseso ng annulment nila ni Kristinne. Urgh! Kumukulo talaga ang dugo ko kapag naiisip ko na nandoon siya ngayon sa poder ng pamilya niya!"

"Ayan kasi. Maprinsipyo kasi yang kinalantari mo. Maprinsipyo pero malibog nga lang kaya pumatol sa yo," anito na sinabayan pa ng nakakalokong halakhak.

Humigpit ang hawak niya sa cellphone, "Gusto mong ibato ko 'to sa pagmumukha mo, Anita?"

Maarteng tumawa ang kaibigan, "Hay naku! Chill ka lang, girl! Masyado kang obvious na takot,"

"Takot? Ano bang pinagsasabi mo?" kunot-noong tanong niya dito, "At ano naman ang ikinakatakot ko, aber?"

"Alam mo, denial queen ka talaga. You and I both know na sobrang in-love yang si Lawrence sa asawa niya. Kaya lang, nabaling na sayo ang atensyon niya kasi nawala si Kristinne at kasi malandi ka rin. O, 'wag mo 'kong pandilatan! Totoo lahat ng sinabi ko," anito, "Nabigyan ka ng oportunidad na gapangin yang bayaw mo dahil umalis si pinsan. Kaya ngayong nandoon sa poder ng asawa niya yang boylet mo, natatakot kang baka mawala ang libog niya sa yo."

"Hinding-hindi mawawala ang libog ng isang lalaki. Konting giling lang ang gawin ko, susuko ulit sa 'kin si Lawrence."

"Pero aminin! Libog lang ang foundation ng relationship niyong dalawa. Hindi katulad ng sa kanila ni Kristinne, may libog na, may love pa!"

"Heh! Bwisit ka! Tumahimik ka nga! Kanino ka ba kampi, ha?" pandidilat niya dito.

"Siyempre, sa yo. Friend kita, diba? Kaya lang, kailangan mo ring marinig ang katotohanan para naman makapag-strategize ka ng mabuti. Sa nakikita ko kasi ngayon, matatalo ka talaga, eh."

The Shattered Vow Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon