Chapter Nineteen

11K 230 74
                                    

- - - - - U N E D I T E D

MADILIM NA nang dumating sila sa bahay. Tulog pa rin ang kambal kaya pinagtulungang iakyat nina Dana at Lawrence ang dalawa sa kwarto. Mabuti na lang at nagising ang mga bata kanina on the way. Nagutom na kasi ang mga ito kaya nag-stop over sila sa Jollibee, as per request ng kambal, para makapag-hapunan na rin sila.

Pero nang bumiyahe na ulit sila ay nakatulog na ulit ang mga ito mga ilang minuto lang ang lumipas. At hanggang sa makauwi na ay hindi pa rin nagigising ang mga ito.

"Ate, aku na ang bahala sa mga bagahe. Mag-rist ka na lang," ani Dana habang karga-karga si Pepper at paakyat sa hagdanan.

"Okay lang, Dana. Paki-asikaso na lang ang kambal, please?" sagot ni Kristinne dito.

"Ah, oki. Sigi, Ate," anito at nagpatuloy na sa pag-akyat papuntang kwarto ng kambal.

Lumabas na si Kristinne para kunin ang mga gamit na naiwan sa loob ng sasakyan. Naisukbit na niya sa balikat ang bag at papasok na sana ng bahay nang marinig niyang may tumawag sa kanya.

"Ate Kristinne,"

Nilingon niya ang pinanggalingan ng boses sa bandang gate. Agad siyang lumapit doon nang makilala ang babaeng nakatayo sa labas at pinapasok ito.

"Joana? Anong ginagawa mo dito?" aniya matapos itong pagbuksan.

Sa halip na sumagot ay napabulalas ito ng iyak at sinugod siya ng yakap. Isinubsob nito ang mukha sa balikat niya at doon nag-iiyak.

"Nakapawalanghiya niya, Ate. Ang baboy niya!" hagulhol nito.

Naguguluhan man ay ginantihan niya ang yakap nito sa kanya.

DINALA NIYA si Joana sa poolside at naupo sila sa mga upuan doon. Si Joana ang isang malayong kamag-anak niya na siyang namamahala sa gallery na pagmamay-ari ng pamilya nila. Malapit sila sa isa't isa at para na niya itong nakababatang kapatid. Ito at si Corinne ang itinuring niyang mga kapatid. Bago ang nangyaring pagtataksil ni Corinne ay sa dalawa niya ibinabahagi ang mga importanteng pangyayari sa buhay niya, masaya man o malungkot.

But lately, she hadn't had any communication with Joana for the past few weeks. Siguro dahil sa preoccupation niya sa lahat ng pangyayari ay hindi na niya naisip na tawagan ang pinsan. Mas inuna kasi niya ang magiging kalagayan ng mga anak kaya nakalimut siya.

Now, she didn't know if she should feel guilty for not having contacted her cousing. Joana was obviously in distress as she was still crying with her head bowed.

"Joan, ano ba ang nangyari? Bakit ka umiiyak?" tanong niya habang hinahagod ang likod nito.

Her cousing took in a deep breath before raising her head up. There was a devastated look on her tear-streaked face. There was anguish and pain.

"H-he's cheating on me, A-ate!" hikbi nito.

Napatulala siya rito, "W-what?"

Time seemed to stop and images immediately flashed into Kristinne's mind when she heard the word cheating from her cousin's mouth. Of Corinne and Lawrence, of the confrontation between her and Corinne weeks ago, of Lawrence saying he was leaving. Umiinit na ang sulok ng kanyang mga mata bago niya na-realize na wala pa sa pamilya nila ang nakakaalam sa sitwasyon nila ng asawa niya.

"Si Carlo, Ate! Pinagtataksilan niya ako!" hagulhol nito na ang tinutukoy ay ang kinakasama nito ng dalawang taon na.

"He's cheating on you?" halos bulong na sabi niya.

"Yes! He's cheating on me with his secretary!"

Hindi niya alam kung ano ang sasabihin dito. Paano niya mabibigyan ng payo ang pinsan when even she was still confused on how she should deal with her own situation with Lawrence. Naibaling niya ang paningin sa tubig mula sa pool.

The Shattered Vow Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon