Chapter Thirty

7.5K 145 45
                                    

U N E D I T E D - - - - - - -

Lawrence and Kristinne could only stare in awe as their children showed them what they had been up to since the time they last saw each other. Bago lang natapos tumugtog si Pepper, sa tulong ng isang overly-excited na Dana, sa piano doon sa sala. Sa simula ay napapangiti lang sila sa enthusiasm nitong mapakinggan nila itong tumugtog. Children at her age could really see a musical instrument as a toy, so they thought, "Why not? Just let the child have a go at it."

Pero hindi nila inasahan na isang totoong piyesa ang itutugtog nito, na bagama't simple lang ay pulido naman nitong nagawa. They haven't even gotten over the surprise, or in this case shock, sa ipinakitang talento ni Pepper ay heto naman ang kakambal nitong si Mint na isa-isang ibinibigay sa kanila ang mga papel na pinag-guhitan nito. With a big smile and a happy giggle now and then, he handed the papers with drawings in them to his parents. Tila naaliw ang kapatid at nakisali na rin sa pagbibigay.

Looking down at the paper in her hand with a portrait drawing of herself in bright blue crayon, among others, hindi malaman ni Kristinne kung maniniwala ba talaga siyang gawa iyon ng dalawang taong anak na lalaki. Ang inasahan niya lang sana ay yung stick drawings na madalas iguhit ng mga batang kaedad ni Mint. But this was full-on artistic. Her son had drawn a portrait of her, na napansin niyang iginaya sa mga larawang nakakalat sa bahay. It wasn't perfect, but one could see the potential in it.

But aside from the shock, she felt something warm touch her heart. Her babies had something amazing within them. Despite all the heartaches, there was this one thing that could momentarily make her forget all of those.

"Mama, I draw you!" masayang hayag ni Mint matapos maiabot ang huling papel sa kanya.

Tumabi si Pepper sa kanya at sumiksik habang nakatingin din sa hawak niya. Ngumiti ang paslit, "Mama pwetty."

Nahimasmasan siya at napalitan ng masayang ngiti ang kanyang pagkabigla. Binalingan niya ang nakangiting si Mint. There he was, her little man looking so proud of his achievement. Nakatingala ito sa kanya at parang hinihintay ang kanyang magiging reaksyon. Hinila niya ito palapit sa kanila ni Lawrence and held both of her children in her arms. As a parent, she felt very proud of her them.

"Ang galing-galing naman ng mga babies ko!" aniya habang pinupugpog ng halik ang kambal. Humagikhik naman ang dalawa at gumanti rin ng atake ng halik sa kanya.

Nagpakandong si Mint sa kanya at niyakap siya ng mahigpit sa leeg, "I mith you, Mama,"

Gumanti siya ng yakap sa anak, wrapping her arms around his small body. Tila nararamdaman niya talaga ang pagka-miss nito sa kanya.

Matapos ay lumapit si Pepper sa ama at nagpakandong. Sa kiming boses ay nagtanong, "Papa wike Peppew pway piano?"

Malapad na ngumiti si Lawrence. Ginawaran nito ng halik ang bumbunan ng anak nilang babae, "Papa loved it, baby. I'm so proud of you!"

"You played just like Papa," ani Kristinne.

"Wala talagang ibang inatupag ang dalawang 'yan kundi ang pagplano na sorpresahin kayo. Palagi na lang bukambibig ang 'I will show Mama my drawing' at 'I will play the piano for Mama.' Nang una kong makita yung mga talento nila ay napanganga na lang ako. It's really rare to see children, as young as them, exhibit extraordinary talents," ani Thea na nandoon din at inaayos ang suot ni Tier sa sala kasama nila.

"Naku naman! Nakaka-proud naman ang mga babies namin!" masayang hayag ni Kristinne.

"Nagulat nga rin talaga ako. Hindi biro 'yung ginawa nilang dalawa," sabi pa ni Lawrence.

Inakbayan siya ng asawa. She turned to him and they shared smiles.

"Eh paano mo nga naman malalaman kung ano ang nangyayari sa mga anak mo kung sa loob ng ilang buwan ay dito mo sila sa amin inilagak, diba?" sabat ng ama niya.

The Shattered Vow Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon