Chapter Twenty-three

8.6K 233 53
                                    

Napabuntong hininga si Dexter habang pinagmamasdan ang nakatulalang si Kristinne. Mukhang malayo na ang narating ng iniisip nito dahil hindi man lang siya nito napansing pumasok sa silid. She looked vulnerable as she sat there on her hospital bed. Hindi malaman ng binata kung lalapitan ba niya ito o hahayaan na lang muna.

You're pregnant, Kristinne. Three weeks.

He could still hear those words from Amarie in his head from the other day. Nang lumabas ang resulta ng mga naunang laboratories ni Kristinne ay naramdaman niya ang kirot na kumudlit sa puso niya. It wasn't the finding out that she was pregnant that hurt. It was the fact na may nangyaring intimate between her and Lawrence. 

Masakit man aminin pero alam nilang lahat kung sino ang ama ng dinadala ngayon ni Kristinne. And for that to have happened, her feelings for her cheating husband must still be that strong. At para sa kanya na naghahangad sa puso nito ay masakit iyon.

Hindi niya gustong makasira ng isang relasyon, ngunit hindi niya pinagsisihan ang ginawa niyang pagsabi kay Kief sa estado ng pagsasama ng mag-asawa. Because despite his values, the last thing he would want to see is for the most important woman in his life to be hurt.

"Tinne,"

Nag-angat ito ng tingin at ilang segundong nakatuon sa kanya ang mga mata bago ito umiwas. Kahit na blangko lang ang nakikita sa mukha nito ay ramdam pa rin niya ang malungkot na aura na lumulukob dito.

He took a deep breath as he summoned up all the courage he could muster para lapitan ito. Hindi naman ito naging bayolente ng nasa tabi na siya ng kama nito.

"Galit ka ba sa 'kin, Tinne?"

He had to ask that question. Three weeks had passed since the revelation, pero ni isa sa mga tawag niya dito ay hindi nasagot. Kahit na reply sa text niya ay wala. There was that lingering anxiety at the thought na nagdamdam ito sa kanyang naging pagsumbong kay Kief.

"Tinne?" untag niya nang hindi ito sumagot.

Nagpakawala muna ito ng malalim na hininga bago nagsalita, ang mga mata ay nakatuon sa mga kamay na magkahugpong sa ibabaw ng kumot, "I want to be angry at you, Dex, I won't deny that. Gusto kong magalit dahil nanghimasok ka sa buhay ko, naming mag-asawa. Gusto kong ipamukha sa iyo na wala kang karapatang unahan ako sa desisyon ko," anito sa mahinang boses.

Mabibigat para sa kanya ang sinabi nito pero hindi niya maiwasang makuntento, kasi kahit papano ay kinakausap na siya nito. But then she made a long pause that he thought she was going to leave it at that. So it was a relief when she continued. 

She looked up and fixed her gaze at the white walls, "I really wanted to blame someone, and that was you. But then . . . when I was able to think clearly, nasabi ko sa sarili ko na it was bound to happen. Na kahit ano pa sigurong paraan ang maisip ko to soften the blow of telling my family the truth ay hindi maiiwasan na magkakaroon talaga ng gulo. Ironic, pero parang nabunutan na ako ng tinik sa dibdib dahil wala na akong itinatago sa kanila."

She was speaking of having her burdens lifted yet her voice and face didn't seem to agree. 

Nagkaroon na naman ng mahabang pause mula rito. She had been staring, blankly, straight ahead at the hospital room's white walls for so long kaya agad siyang nakaramdam ng panic nang makita ang mga luhang tumulo mula sa mga mata nito.

"Ngunit ang madamay ang mga inosenteng buhay sa kung anumang desisyon ang gagawin ko ang nakakapanghina. I thought I had everything under control but then . . ." yumuko ito at marahang hinaplos ang impis pang tiyan, tumutulo pa rin ang mga luha at garalgal na ang boses, "this baby happened. H-hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko."

The Shattered Vow Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon