Chapter Five

9.6K 224 23
                                    

Pakiramdam niya ay parang binuhusan siya ng malamig na tubig nang makita niyang hawak-hawak ni Lawrence ang folder na naglalaman ng kanyang diagnosis. Natatakot siya sa kung anuman ang nabasa nito. Natatakot siyang malaman nito ang tungkol sa sakit niya. Baka gamitin nito ang sakit niya para mapatunayan na hindi niya kayang alagaan ang mga anak, para mapunta dito ang kambal. Magkakaroon ito ng leverage sa kanya kung ang custody nan g mga bata ang pag-uusapan. Pero hindi siya susuko kung magka-ganon man. Magkakamatayan muna sila bago mangyari iyon. 

Oh please, Lord, sana naman hindi niya nabasa ang nilalaman ng folder na ito. 

Naaninag niya, sa tulong ng ilaw mula sa poste sa labas, na nagmistula itong guilty na bata na natagpuang gumawa ng masama. 

"Natabig ko kasi. P-pasensiya na," anito. 

Humigpit ang pagkakahawak niya sa folder, "Ano ba'ng ginagawa mo dito?" 

Dumaan muna sa kanya ang tingin nito bago sinulyapan ang nahihimbing na mga bata, "Sinilip ko lang sila. Baka kako lang kasi nagligalig,"  

Lumingon uli ito s kanya at di na niya maiwasang kabahan nang pasadahan nito ng tingin ang hawak niya. 

"A-ano ba yan?" itinuro nito ang folder. 

"W-wala," aniya at itinago sa likod ang folder, "Naiwan ni Amarie sa café noong magkita kami. Ipinapatago kasi sa pasyente niya raw ito," 

Hindi niya naiwasang magsinungaling. Mabuti na lang at oncologist si Amarie, so she could easily pass it off as someone else's diagnosis. Tinalikuran na niya ito bago pa makapagusisa ulit. 

Dinaanan niya muna ang kambal at inayos ang kumot ni Mint. Gumalaw na naman kasi ang anak kaya nalihis ang kumot nito. Matapos hagkan sa noo ang mga bata ay nagpati-una na siyang lumabas. 

"Matulog ka na rin," aniya bago ito tuluyang iniwan doon.

NAGISING SIYA SA boses ng mga bata na parang nagbubulungan. Nagtutulakan kung sino ang dapat na gumising sa kanya. Lihim siyang napangiti habang pinapakinggan ang mga ito at hindi nagmumulat ng mga mata. 

"Ikaw na kathi," ungot ni Mint. 

"Yoko," pabulong naman na tugon ni Pepper, "Kaw na lang," 

"Guthto ko ikaw,"  

"Intakot ako," 

Lawrence inwardly frowned. Takot? Bakit naman ito matatakot? 

"Why you thcared?" isinatinig ni Mint ang katanungan ng ama. 

"Papa don't like me," 

Pepper, baby, bakit ganyan ang iniisip mo? Tanong niya sa sarili. 

"No! Papa like uth!" depensa sa kanya ng anak na lalaki, "Thige na. Wake mo na papa!" 

"Yoko thabi eh!" 

Sunod niyang narinig ay ang impit na iyak ni Pepper pagkatapos ay ang mga papalayong yabag palabas ng kwarto. 

"Pepper!" tawag ni Mint dito at sinundan ang kapatid. 

Pinakiramdaman niya ang paligid bago siya nagmulat ng mga mata. Ang bigat sa dibdib isipin na natatakot sayo ang anak mo. Kaya lang ay hindi niya rin ito masisisi. Hindi niya napagtuonan ng pansin ang mga bata. Baka dahil sa kawalan niya ng atensyon sa mga ito ay pumasok sa isip ni Pepper na aya niya sa kanila. 

I wuv papa

Kumirot ang puso niya nang maalala ang tagpong iyon kahapon. Ang pagsiksik nito sa leeg niya at pagbigkas sa mga katagang iyon na animo sabik sa ama. Para na rin niyang binigyan diin na ayaw niya talaga rito nang hindi niya ito agad natugunan sa hiling na kwento ng nagdaang gabi. 

The Shattered Vow Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon