Chapter Fifteen

9.2K 197 13
                                    

"Gusto niyo bang mamasyal tayo?"

Natigil si Kristinne sa pagsubo sa biglang pagsalita ni Lawrence. Pati si Dana, na inaasikaso ang mga bata, ay natigilan din. Sina Pepper at Mint ay patuloy lang sa masaganang pagkain.

"What do you think, kids?" baling nito sa kambal, "Gusto ninyong mamasyal?"

Nilingon ito ng mga bata with expectant faces, "Than tayo punta, Papa?" tanong ni Pepper.

"Kayo? Saan niyo gusto? Sa mall? Sa zoo? Sa beach? Sa-"

"Beach!" sabay na sigaw ng dalawa.

"Lawrence-" panimula niya pero naputol ang sasabihin niya sana ng nagpapaawang mukha nina Pepper at Mint.

"Let'th go to beach, Mama!" ani Pepper.

"Yeth, Mama! Beach!" si Mint.

"Oo nga, Ate! Bets na yun! Sige na, mag-bets tayu!" nakisabay pa si Dana sa excitement ng mga anak niya, niyuyugyog pa siya.

Siya naman ay hindi alam kung ano ang dapat itugon. May bumubulong sa kanya na hindi tama ang nangyayari. Na palabas lang ang lahat. Pero kinastigo naman iyon ng isang parte ng isip niya.

The guy is trying his best, Kristinne. You'll benefit from this anyway. Diba at ito naman ang gusto mo? Kailangang ma-establish mo ang relationship ng mga bata with Lawrence para kung baka sakaling-baka sakaling hindi mo malabanan ang sakit mo ay hindi maiiwang walang magulang sina Pepper at Mint.

Kumirot na naman ang puso niya nang maalala ang karamdaman. Pero lalaban siya. Ipinapangako niya 'yon sa sarili. She won't be going down without a fight. She may have lost the fight in winning her husband but she won't give up fighting her cancer for her children.

"Tinne?"

Naputol siya sa malalim na pag-iisip nang marinig ang boses ni Lawrence. Pagbaling niya sa mga ito ay bumungad sa kanya ang expectant faces ng apat. Kitang-kita ang kasabikan ng kambal at ng yaya ng mga ito. Para bang nakikinita na ng tatlo ang mga sarili na masayang nagtatampisaw sa dagat. Si Lawrence naman ay nag-aantay lang sa magiging sagot niya.

"Mama, pleathe?" sabay na tanong ng mga bata sa tonong nagmamakaawa.

"Sige na, Ate!"

Inilibot niya ang tingin sa tatlo hanggang sa dumako iyon kay Lawrence. Alanganin itong ngumiti sa kanya.

Kaunti na lang ang panahon na magiging kumpleto kaming magkapamilya. Magiging pag-aari na siya ni Corinne pag-alis niya sa bahay namin. Hindi naman siguro masamang naisin kong makasama siya sa kahit konting pagkakataon na 'to? Dadahan-dahanin ko ang lahat. Sa ngayon ay siya pa rin ang isinisigaw ng puso ko kahit na masakit. Dadating din ang panahon na mawawala rin ang pag-ibig na 'to.

Ngumiti siya sa mga ito, "Okay, payag na ako. Let's go to the beach,"

"Yehey!" sabay na cheer ng kambal na sinabayan din ni Dana.

When she turned to Lawrence, she saw him mouthing the words thank you to her. Isang ngiti lang ang itinugon niya rito.

Yes, I'll be selfish just this once, aniya sa sarili.

* * * * *

NILINGON NI Kristinne ang cellphone sa tabi na biglang nag-ring. Kasalukuyan siyang nag-eempake ng mga gamit na dadalhin nila sa outing. Nakita niya ang pangalan ni Amarie na nakarehistro sa telepono. Agad niya iyong inabot at sinagot.

"Amarie? Napatawag ka," aniya habang itinutupi ang bathing suits ng mga bata.

"Oo, napatawag talaga ako. Nakalimutan mo yata na babalik ka ngayong araw na 'to sa hospital for another assessment?" anito.

Natigilan siya. Oo nga pala. Napag-usapan na nila nina Amarie at Dexter na babalik siya ng araw na iyon for another assessment para matukoy ng mga ito ang treatment na dapat niyang i-undergo para sa karamdaman niya. Kung kailangan ba niyang mag-surgery o medications na lang. But with all that she was thinking the past few days ay talagang nakalimutan niya iyon.

"Kailangan nating mag-usap. Anong oras ka ba darating ngayon? Pupunta din dito si Hazel. I already told her about your condition. Hindi mo naman kasi ako pinagbawalan na sabihin sa kanya. At sinabi kong may schedule ka for another assessment today kaya nagpasya iyon na pupunta dito. She wants to talk to you. Iyak iyon ng iyak nang malaman ang karamdaman mo," ang mahabang sabi nito.

Hindi maintindihan ni Kristinne kung bakit parang naririnig niya sa boses ng kaibigan na nagpipigil itong bulyawan siya. Wala naman sa kanya na sinabi na ni Amarie kay Hazel ang sitwasyon niya. Nanghinayang lang siya at hindi mismo sa kanya nanggaling. But is that enough to make Amarie that angry with her?

"Amarie, may problema ba? Bakit parang nararamdaman kong galit ka?" isinaboses na niya ang katanungan.

Narinig niyang humugot ang kaibigan ng malalim na hininga bago pinakawalan iyon, "Bakit hindi mo sinabing nandiyan pa sa bahay niyo ang walanghiyang asawa mo, Kristinne? Anong pinaplano mong gawin? Gusto mo bang magmakaawa sa makati na iyan na huwag kayong maghiwalay? Plano mo bang gawing kahiya-hiya ang sarili mo para hindi ka lang niya iwan, ha?"

"A-Amarie-"

"Hindi sinasadyang mabanggit ni Dexter sa amin na nandiyan pa si Lawrence sa bahay niyo. Obviously, hindi pa alam nung tao na hihiwalayan ka na ng walanghiyang asawa mo. And he learned it the hard way." Nagpatuloy ito, "We had an encounter with your asshole of a husband's mistress. Alam kong pinsan mo siya, pero hinding-hindi ako hihingi ng tawad sa ginawa namin ni Hazel sa kanya. The slut deserved every slap, scratch, and punch we threw at her."

Tila hindi na ito humihinga sa patuloy lang nitong pagkukwento. Naantig ang puso ni Kristinne at pinigilan ang sarili na maiyak. Tama na ang iyak. Lalo pa't nararamdaman niya ang pagmamahal ng mga kaibigan niya para sa kanya. She wanted to feel sorry for Corinne but she just couldn't.

"So, ano na? Anong oras ka darating dito para mai-text ko na si Hazel? You really have a lot of explaining to do, Tinne. Hindi ako papayag na pagmumukhain mong kawawa ang sarili mo after the war we waged on your husband's slut."

Ilang sandali siyang hindi makahuma. Paano niya sasabihin dito kung ano ang plano niya? She needed to focus her energy on establishing Lawrence's relationship with the twins first before anything else. Dapat na mauuna ang mga bata sa kahit ano pa man.

"Tinne!"

"I-I can't make it today, Amarie."

"What?"

"Aalis kami ngayon-"

"Where the hell are you going? Mas importante pa ba iyan sa pagpapagaling mo?"

"Pasensya na talaga. I'll explain everything once we meet. Uunahin ko lang ang mga bata. Nag-request kasi na mag-beach kami. Please understand."

Humugot na naman ito ng malalim na hininga. Nararamdaman niyang pinapakalma nito ang sarili sa ginagawa. Kilala na niya ang kaibigan at ganoon talaga ito kapag nagbabadya nang maubos ang pasensya nito.

Bumuntong hininga ito, "Basta sabihin mo lang sa akin na hindi niyo kasama ang talipandas na Lawrence na 'yan,"

"H-hindi pwedeng hindi siya kasama, Amarie."

"Ano?! Kristinne, nahihibang ka na ba talaga?!"

"Please. I'll explain everything later. Pasensya na talaga,"

"Tinne-"

Pinutol na niya ang tawag bago pa makapagsalita ang kaibigan.

The Shattered Vow Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon