Chapter Nine

8.6K 230 15
                                    

- - - - - - - - - - - - - UNEDITED

Hindi agad nakahuma si Kristinne sa sinabi ni Dexter. It sounded as if he indirectly admitted to having feelings for her. He was confessing his feelings without knowing na maghihiwalay na silang dalawa ng asawa niya. Para pang hinahamon nito si Lawrence.

"Mama," narinig niyang tawag ni Pepper, "Yow an angew?"

Ngumisi si Dexter at binitawan ang kamay ni Lawrence bago sila binalingan. Nakatuon ang pansin nito sa anak niya at inalayan pa ito ng ngiti. Pepper giggled and hid between the crook of her mother's neck again.

"Yes, baby. You're mama's an angel, just like you!" magiliw na sagot nito sa bata.

"Waah! So Mama can fly?!" nahihiwagaang sabi ni Mint.

"Not really, kid. She's more of a walking angel," natatawang salungat ng binata.

Hinaplos nito ang buhok ni Pepper bago siya binalingan, "Aalis na ako. I'll see you soon, okay?" Tumango naman siya bilang sagot. Pagkatapos ay nilingon nito si Lawrence at nagpaalam na rin, "Sige, pare. Hinatid ko lang talaga si Kristinne."

Ginulo muna nito ang buhok ni Mint at kinintalan ng mabining halik ang ulo ni Pepper, na mas lalong sumiksik sa kanya na parang kiniliti, bago bumalik sa sasakyan.

"Ba-bye, Tito Dec-Dec!" kumakaway na paalam ni Mint.

"Bye-bye!" si Pepper na nag-flying kiss pa. Sinalo ng binata ang halik nito at idinampi ang kamay na sumalo sa pisngi na para bang tinanggap nito ang kiss ng bata.

Parang hinaplos ng isang mabining kamay ang puso niya sa masayang tawa ng mahiyain niyang anak. Nginitian ulit sila ni Dexter bago sumakay sa kotse nito. Nang mawala na sa paningin nila ang sasakyan ay nilingon siya ni Pepper at bumulong.

"I wike Tito Dec-Dec, Mama."

Hindi agad siya nakahuma. Tila hindi niya alam kung ano ang dapat maramdaman sa sinabi ng anak. Kitang-kita na nag-iwan ng magandang first impression ang binata sa mga bata. Pero ng mahimasmasan na siya ay nginitian niya ito at hinalikan sa bumbunan.

"Come on, Pepper! Thwim tayo ulit!" tawag dito ng kapatid at tumakbo na pabalik sa pool area.

"Thwim ka din, Mama," ani Pepper.

Kristinne chuckled and turned to follow Mint habang karga pa rin si Pepper. Lalagpasan na sana niya si Lawrence na nakatayo lang doon, ang tingin ay napako sa kung saan dumaan ang sasakyan ni Dexter, when she noticed how he clenched his jaw as if displeased with something. Hindi niya alam kung kakausapin niya ba ito o huwag na lang.

A debate was currently ongoing insider her.

Ang sabi ng puso niya ay dapat siyang magpaliwanag dito, pero ang sabi naman ng isip niya ay pabayaan na ito. Na hindi na raw niya kailangang ipaliwanag ang sarili dahil hihiwalayan na rin naman siya nito, diba?

Kaya nilagpasan na niya ang asawa at sumunod na sa anak na naghihintay sa tabi ng pool. Alam kasi ng kambal na bawal silang maligo doon kapag wala itong makakasamang matanda para bantayan sila.

Inasikaso niya ang mga bata. Sine-secure na niya ang floaters ni Mint ng marinig niyang nagsalita si Lawrence. Nakasunod na pala ito sa kanila.

"Hindi ka rin nagmamadali, ano?"

Hindi niya ito nilingon at sa pag-eestima sa mga bata ang inuna.

"Anong ibig mong sabihin sa tanong mong iyan?" balik-tanong niya rito.

"Na masyado kang atat na palitan ako,"

Nanigas siya nang makitang medyo naguluhan si Mint sa sinabi ng ama nito. The child looke dup at her with inquiring eyes. Ang mahinang apoy sa loob niya ay dagling nagliyab na ngayon.

Ganoon na ba talaga ito ka-self-absorbed na hindi na nito nakikita ang mga bata sa paligid na siguradong naririnig ang pinagsasabi nito.

"Mama?" ani Mint na mukhang nalilito.

Mabuti na lang at nandoon na sa mesa si Pepper at kumakain. Medyo malayo ang distansya nito sa kanila kaya siguradong hindi nito narinig ang sinabi ng ama.

Binigyan niya ng ngiti ang nalilitong si Mint, "Go and eat with your sister. Later na tayo mag-swimming. Mag-uusap muna kami ni Papa, okay?"

Tinitigan muna siya ng anak ng ilang sandali. Tila tinatantiya nito ang nararamdaman niya bago sinuklian ang ngiti niya. "Okay!" anito at pumunta na sa tabi ng kakambal.

Nang sigurado na siyang pre-occupied na ang mga bata sa pagkain ay doon na niya nilingon si Lawrence.

"Hindi mo ba talaga kayang isantabi ang sarili mo at unahin mo muna ang mga anak mo, ha, Lawrence? Kasasabi mo lang kaninang umaga na babawi ka sa kanila. But now you are being tactless in front of them," pigil-pigil niya ang sariling pagtaasan ito ng boses para hindi marinig ng kambal.

"Then you shouldn't have brought that man in this house," anito sa mababa ring boses.

Napabuga siya ng hangin, "Bawal na bang magdala ng kaibigan sa pamamahay na 'to? The last time I checked, Lawrence, pamamahay ko rin ito."

Naningkit ang mga mata nito, "I am very much aware of that fact, Kristinne. And yet you still chose to bring that man here when we're already buried in deep shit!"

Ang kapal ng mukha mo, Lawrence! ikaw pa talaga ang may ganang magsabi niyan sa akin? Hiyaw niya sa loob niya.

She stared at him for a few seconds meeting his heated gaze with hers and chose not to answer him bago nilapitan ang mga bata na masayang nagkukwentuhan tungkol kay "Tito Dec-Dec" habang kumakain.

"Kids, si Papa niyo muna ang magbabantay sa inyo, ha? Magbibihis lang si Mama para makapag-swimming na tayo, okay?"

"Okay!" sabay namang sagot ng mga ito.

Pabalik na siya sa loob ng bahay para magbihis pero huminto muna siya sa tapat ng asawa.

"Here's my question, Lawrence. Who do you think brought that shit upon us? Subukan mong sagutin ang tanong na iyan. Baka mahimasmasan ka at maalala mong ikaw ang mang-iiwan sa ating dalawa."

Naramdaman niya ang pag-iinit ng mga mata pero pinigilan niya ang pag-iyak. Nilagpasan na niya ito at nagtuloy na sa loob ng bahay bago pa tumulo ang luha niya. She can't cry again. She won't. Andami nang luha ang sinayang niya para dito. Napapagod na siya.

The Shattered Vow Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon