Chapter Sixteen

9.3K 195 31
                                    

U N E D I T E D - - - - -

"THANK YOU,"

Inalis niya ang tingin mula sa mga bata na nagkakasayahan kasama ni Dana at nilingon si Lawrence. Nakatuon din pala ang mga mata nito sa mga bago siya binalingan ng tingin. May munting ngiti na nakaguhit sa mga labi nito. He looked satisfied, contended.

"For what?" tanong niya.

Nagkibit ito ng mga balikat, "For giving me this opportunity to spend a day with my family,"

My family.

May kirot siyang naramdaman nang marinig ang mga katagang iyon mula dito. No, they weren't a family anymore. They were broken. Pero mukhang hindi nito napansin ang sinabi kaya hinayaan na lang niya.

Napabuntong-hininga siya, "Para sa ikasasaya ng mga anak ko, gagawin ko ang lahat, Lawrence,"

Namayani ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa. Wala na itong naitugon sa sagot niya. Ibinalik niya ang tingin sa mga bata na hinaharot ang yaya ng mga ito. Mint and Pepper looked so adorable in their cute swim suits as they threw wet sand at Dana. Si Dana naman ay mukhang nasisiyahang umiilag sa mga ibinabato ng mga bata dito. She looked so funny as her body was almost covered with sand maliban na lang sa mukha nito.

Her children's laughter made her smile. They looked so happy and carefree. At gusto niyang mapanatili ang mga ito sa ganoong disposisyon.

"Bakit?" untag ng boses ni Lawrence.

Nilingon niya itong muli, "What?"

"B-bakit naisipan mong tanggapin na lang ang lahat?"

"Tanggapin ang?"

Nagbuga muna ito ng hininga bago nagpatuloy, "A-ang sitwasyon natin. Ang napipinto nating paghihiwalay. Ang-ang pagtataksil ko,"

She stared at him and he stared back in return. His eyes looked sad and the guilt was definitely there. Kahit naman natanggap na niya ang lahat ay hindi niya maiwasang malungkot sa kinahinatnan ng pamilya nila. Mukhang nararamdaman din pala ni Lawrence ang nararamdaman niya.

Huminga siya ng malalim at dahan-dahan iyong pinakawalan.

"Well . . . Let's just say that I've come into terms with the whole thing. Hindi ko naman itinatanggi na nasasaktan ako. Kaya lang, Lawrence, wala na akong magagawa eh. Nangyari na ang nangyari. You can't undo what's done. Inisip ko na lang na meron pang mga bagay na mas importante na kailangan kong pagtuunan ng pansin,"

Natahimik muli ito. Ang mga mata ay nakatuon pa rin sa kanya. They looked troubled like he was in a dilemma right now. Gusto niyang mailang sa paraan nito ng pagtitig sa kanya kaya ibinalik na lang niya ang atensyon sa mga bata.

"Bakit, Lawrence? Ano ba ang iniisip mo?" tanong niya.

Nagpakawala ito ng malalim na hininga pero nanatiling tahimik. Mukhang wala nang plano na sagutin siya. Nahulog na ito sa malalim na pagiisip. Minabuti na lang niyang tumayo at iwan ito.

"Puntahan ko muna ang mga bata," aniya at naglakad na palayo.

Aminado si Kristinne that Lawrence needed that time for himself. There must be a lot of conflicting emotions going through his mind at that moment. Mga emosyon na kailangan nitong ilagay sa dapat na paglalagyan. He wasn't inherently a bad person. It wasn't in his nature to intentionally hurt someone. Nadala lang talaga siguro ito sa tukso.

She sighed and shook her head.

There's no use dwelling on that, Kristinne. Tama na, aniya sa isip at nagpatuloy na sa paglapit sa mga anak at kay Dana.

The Shattered Vow Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon