Chapter Ten

9.7K 231 43
                                    

- - - - - - - - - UNEDITED

"M-magugustuhan k-kaya ito ni Pepper, Amarie?" sumisigok-sigok na ipinakita ni Hazel sa kaibigan ang napili nitong manika na para sa inaanak nila.

Magkasama ang dalawang magkaibigan sa mall. Nasabihan na ni Amarie si Hazel sa totoong kondisyon ni Kristinne. Unlike Amarie na natulala noong malaman niya, ay iyak naman ang naging reaksyon ng kaibigan.

Pinapunta niya ito sa ospital para doon sabihin ang nalalaman. Hindi naman kasi siya pinagbawalan ni Kristinne na sabihin kay Hazel ang karamdaman nito. Iyak ng iyak ang kaibigan when she explained the extra burden Kristinne was going through.

She was almost hysterical na kinailangan ni Amarie na i-lock ang pintuan ng opisina niya. Kung maka-react kasi ito ay parang ito ang nasa sitwasyon ni Kristinne na inagrabyado ng asawa. Ang pag-iyak ni Hazel ang inasahan niyang reaksyon dapat ni Kristinne, na hindi nangyari.

Amarie cried with Hazel at first pero kinalma niya ang sarili. Wala maitutulong sa kaibigan nila kung iiyak sila. Kristinne needed their support not their sympathy. Though sympathy may be good but it's not that important. Kaya pinakalma niya na rin si Hazel. Humina lang ang iyak nito pero hindi tumigil.

"Gusto kong makita si Kristinne," anito nang medyo kumalma na. "Kailangan ko siyang makausap."

Sumangayon naman kaagad si Amarie. Naniniwala siya na mas mararamdaman ni Kristinne ang suporta nila kung magkakasama silang tatlo. Kaya agad siyang nagpaalam sa ospital na aalis. Akala niya ay didiretso na sila sa bahay ng kaibigan. But Hazel truly proved to be unpredictable.

Hiniling nito na dumaan muna sila ng mall. Gusto raw nitong bilhan ng mga regalo ang mga inaanak nila. Namimiss na raw nito ang mga bata. Siya man ay namimiss na din sina Pepper at Mint kaya pumayag na rin siya.

Sa kasalukuyan ay nasa toy department silang dalawa. But as they were browsing toys, and Hazel saw the dolls, tumulo na naman ang mga luha nito.

"Ano ka ba, Haze? Bakit umiiyak ka na naman?" tanong niya at kinuha ang manika na napili nito.

"Naaawa lang ako sa mga bata, Amarie. Iiwanan na nga sila ng ama nila, ngayon naman ay ganito ang mangyayari sa mama nila?" sumisigok-sigok na hinaplos nito ang buhok ng manika bago tumingala na para bang inaampat nito ang pagtulo ng mga luha. "Argh! Bwisit talaga ang Lawrence na 'yan! Shit!"

Marahan niyang hinimas ang likod ng kaibigan, "Ano ba! Tama na nga 'yan. Walang maitutulong ang pag-iyak mo kay Kristinne. Pinapagod mo lang ang sarili mo. 'Tsaka baka akalain ng mga tao na inaaway kita!" sita niya sa kaibigan sa mahinang boses.

"Eh, sa naiinis ako! Anong magagawa mo?"

"Hay naku! Mamili ka na nga lang ng laruan para kay Mint para makaalis na tayo dito. Pinagtitinginan na tayo, oh!"

"Hmp! Oo na! Oo na!" mukhang naiinis na tugon ni Hazel bago sumisinghot-singhot na binalingan ang mga laruan na para sa mga batang lalaki.

Napailing na lang si Amarie habang pinagmamasdan ang kaibigan na namimili ng laruan para kay Mint. Sumisigok-sigok pa rin ito.

MATAPOS NILANG mamili ng mga laruan para sa kambal ay dinala muna ni Amarie ang kaibigan sa isang café. Nang tinanong siya nito kung ano ang ginagawa nilang dalawa doon matapos niyang i-park ang sasakyan ay sinabihan niya magpakalma muna ito bago sila dumiretso sa bahay nina Kristinne.

"Kumalma? Ako?" anito.

"Oo. Pakalmahin mo muna ang sarili mo bago tayo pumunta doon. As I've said earlier, walang magagawa ang pag-iiyak mo. You would only upset Kristinne more kapag ipinakita mo sa kanya 'yang iyak-iyak mo na 'yan. Not to mention na maguguluhan din ang mga bata sa inaakto mo. Mind you, Haze, hindi pa alam ng mga bata ang kalagayan ng ina nila lalo pa at hindi rin nila iyon maintindihan. Kaya ayusin mo muna ang sarili mo ngayon habang nandito pa tayo sa café." mahaba niyang paliwanag.

The Shattered Vow Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon