Chapter Twenty-One

11.2K 257 67
                                    

Marami pong salamat sa matiyaga niyong paghihintay sa mga updates kong sobrang tagal. I can't promise na magiging frequent ang updates ko. Pasensya na talaga kasi busy lang masyado 'tas nakakaloka na rin ang mga pangyayari sa kwento. Kaya nga masayang-masaya ako sa inyo na nagti-tiyaga na maghintay. Ika nga nila, Patience is a virtue, diba? Thank you, guys! 

* * * * *

U N E D I T E D

"MAMA, THAN THI Papa?"

Napabaling ang atensyon ni Kristinne kay Mint mula sa pagtutupi niya sa mga damit nito at ni Pepper. Nakatutok ang mga mata nito sa kanya habang hawak sa kanang kamay ang laruang bigay ng ama. Kitang-kita na naghihintay ito ng sagot mula sa kanya. Yet how could she explain the current situation?

She thought she had the whole situation with Lawrence under control. Not until that night happened between them. And especially not until the whole confrontation when he begged for her to take him back. It confused everything including her already muddled up mind. at ang biglang pagdating ng kuya niya ay hindi nakatulong.

"Yeth, Mama. Than Papa?" untag ni Pepper sa kanya na tumutulong din daw sa kanyang pagtutupi.

Nakatunghay ang dalawang bata sa kanya with expectant faces. Pero wala siyang maisip sabihin. Paano niya nga ba ipapaliwanag ang lahat ng nangyari magmula nang madischarge siya sa ospital.?

"Mith ko na Papa, Mama," ani Mint.

"You won't be seeing your good for nothing father again,"

Napalingon silang tatlo sa pinto ng silid. Nandoon si Kief, nakatayo with an imposing look. Tila hindi nito nagustuhan ang narinig mula sa pamangkin. The twins seemed to react differently from their uncle's disposition. Si Pepper ay yumuko at nilaru-laro ang mga daliri while her brother stood his ground and looked up at Kief with defiant eyes.

"No!" Mint raised his voice at Kief, "Uwi kami kay Papa!"

"Mint," mahina niyang tawag sa anak pero nanatili lang itong nakatutok sa tiyuhin.

Tuluyan nang pumasok ang kapatid niya sa silid as he looked down at the child. Hindi man lang natinag ang bata at nilabanan ito ng titig.

"The three of you are not leaving this house, you hear me?" mahina man pero may diin ang pagkakasabi na iyon ni Kief.

"No! Uwi kami tha houthe namin! Uwi kami kay Papa!"

Her brother crouched down para mapantayan nito ang pamangkin ngunit nanatili pa rin ang galit sa mga mata nito.

"Now you listen to me, Mint. Wala nang karapatan sa inyo ang walanghiyang ama niyo. Sinaktan niya ang mama niyo ng labis at hinding-hindi ko siya mapapatawad sa ginawa niya. So I'll say it again. The three of you are not leaving this house. You're staying right here."

Napalakas na ang boses nito at nahihintakutang yumakap kay Kristinne si Pepper. Isinubsob nito ang mukha sa leeg ng ina habang ang kapatid nito ay nakikipagsukatan pa rin ng tingin sa tiyuhin. Kahit na bumalong na ang mga luha mula sa mga mata nito ay tila ayaw nitong magpatalo sa pakikipagtitigan.

"NO!" sigaw nito.

"Kuya, please. Tama na. Huwag mo nang patulan ang bata," singit ni Kristinne.

"No, Kristinne. Your children have to know and understand as early as now that they won't ever be seeing that good for nothing Lawrence again. Hindi na kayo babalik sa bahay na yon."

"NO!" muling sigaw ni Mint bago pinagbabayo sa dibdib ang tiyuhin habang lumuluha na, "I hate you, Tito! I hate you! Yow bad! Yow bad!"

The Shattered Vow Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon