Chapter Twenty-Eight

5.3K 122 19
                                    


- - - - - - - - U N E D I T E D [just a short update . . .]


LUMINGON SI Pepper at nakita ang ama na tumutugtog ng piano sa sala. Napangiti ang paslit at hinigpitan ang hawak ng teddy bear bago siya sabik na tumakbo palapit dito. But she stopped when she saw a familiar woman wrap her arms around her father's neck from behind him, a woman she never really liked from the day she came to her family's house, ang Tita Corinne niya.

Nilingon siya ng babae at tinaasan siya ng kilay. Mas hinigpitan pa nito ang pagyakap sa kanyang papa mas inilapit pa ang sarili sa leeg nito.

"He's mine now!" asik nito.

Kumibot-kibot ang mga labi niya't niyakap ng mahigpit ang laruan, "P-Papa!"

Pero bago pa siya malingon ng ama ay agad na hinagip ni Corinne ang mukha nito't ginawaran ng marubdob na halik sa mga labi.

Naiiyak na si Pepper kasi hindi niya gustong makita na may ibang kahalikan ang papa niya. Kay mama lang niya ang papa niya. The little girl gathered up the courage to run up to the woman and hit her with her tiny fists.

"Stop it, you little bitch!" Corinne cried out and pushed the little girl to the floor.

Pepper hit the ground hard, pagkatapos ay hinaklit siya ng tiyahin sa braso at napahiyaw siya sa sakit.

"You little shit! How dare you hit me?! I'm gonna make you pay for this!" and without warning, pinalo siya nito sa puwit. Napa-iyak ang bata sa sobrang sakit. "You will never have you father, you hear me?! Akin lang siya! Akin!"

"No!" iyak ni Pepper.

*   *   *   *   *

"NO!"

Surprised, Mint looked up from his drawing and turned to his sister who was sleeping beside him on their bed. Bigla na lang kasi itong sumigaw. Pero kumunot ang noo niya nang makitang umiiyak ito. Akala niya ay gising na ito ngunit nanatiling nakapikit ang mga mata ng kapatid.

Nilapitan niya ito't pinagmasdan.

"P-Papa . . . Papa . . ." sumisigok-sigok na iyak nito, ang mga luha ay patuloy ang paglandas sa mga pisngi.

Niyugyog niya ang balikat ng kakambal at pilit na ginising ito. Nagmulat naman ng mga mata si Pepper. Sumisigok-sigok pa rin nitong iginala ang tingin sa kwarto nila. Nang hindi siguro nito nahanap ang gustong makita ay muli na naman itong umiyak.

"Hey, why you crying?" tanong niya rito habang hinahagod ang likod nito kasi 'yon ang ginagawa ng yaya nila kapag umiiyak sila.

"P-apa!" iyak muli ni Pepper.

"Papa'th not here, Pepper," aniya.

Iginala niya ang tingin sa buong kama hangga't nahagip ng kanyang mga mata ang hinahanap. Sandali siyang lumayo sa kapatid para abutin ang paborito nitong teddy bear na bigay ng papa nila. Muli niya itong nilapitan, iniangat ang isang kamay nito't ipinaloob sa mga bisig ng kakambal ang laruan nito.

Inisip ni Mint na tatahan na ang kapatid kapag kapiling na ang laruan pero patuloy lang ang pag-iyak nito, patuloy lang na tinatawag ang papa nila. Kumunot ang noo niya. Bakit nga ba umiiyak ang kapatid niya?

Why she wooking for Papa? Tanong niya sa sarili.

Tumabi siya rito at niyakap ito. Marahan niyang hinagod ang buhok nito just like how their mama does whenever she was putting them to sleep. The gesture would always calm him kaya naisip niyang baka kakalma rin ang kapatid sa ginawa niya.

The Shattered Vow Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon