Thea's POV
"Mag iingat kayo, Eydon yung binibilin ko ah."sabi ni Mommy habang naglalakad kami papalabas ng gate. Uuwi na kasi kami ngayon dahil maraming gagawin si Rai. May pasok rin naman kasi kami bukas at alam niyo naman sa talino kong to kailangan ko talagang mag-aral hehe.
"Yeah, i know. Mag iingat din kayo dito." sagot naman ni Rai habang nasa tabi ko at akbay akbay si Lola.
"Ahhh... Hahanap hanapin ko talaga tong Batanes!! Sa sobrang ganda ba naman eh! Sayang nga lang at hindi na tayo makakapunta sa lighthouse hays..." singit naman ni Barbie habang nakasabit ang mga kamay kay Stacey.
"Pwede pa naman kayong bumalik dine hahaha! Lagi kayong welcome dito!" sagot naman ni Lola kaya napalingon si Yuki at Jin na naglalakad sa harapan namin.
"Babalik talaga kami dito La! Hahanap pa kami ng dikya eh-"
"Oo nga La! Tama nga yung sinabi ni Jin!" singit ni Yuki sa sinasabi ni Jin kaya nabatukan siya nito.
"Hey, are you ok??" napatingin naman ako sa katabi. Alala ang mukha ni Rai kay tumango nalang ako.
Ang totoo niyan, masama talaga yung pakiramdam ko eh. Kanina pag gising ko ang bigat ng pakiramdam ko tapos medyo nahihilo na ako.
dO_Ob
Omo!! Hindi kaya buntis na ako!?! Di ba sabi nila ganto daw yung mga sintomas kapag buntis!?! Tapos yung sinabi pa ni Barbie at Stacey kagabi! Tungkol pala yun sa pag-aanak!
Natanong ko kasi yon kanina kay Rai nung naabutan ko siyang nakatitig sa akin pagkagising.
Flashback...
"Good Morning." sabi agad ni Rai pagkadilat ko ng mata habang nakahiga siya sa tabi at nakatitig sa akin.
"Good Afternoon hehe." sagot ko naman kaya kumunot ang noo niya.
d. ." b7
Bakit hindi ba Afternoon?? Diba kasunod ng Morning ay Afternoon? Evening nga yung susunod eh.
Hays... May pagka bobo talaga to si Rai.
"Morning palang bakit afternoon ka na??" tanong niya kaya napakamot ako ng ulo. Ewan ko sayo Rai ang hirap mong intindihin.
"Hehe! Sige nalang. Oo nga pala Rai may dapat na itatanong ako sayo kagabi kaso nakalimutan ko pero naalala ko na ngayon kaya itatanong ko na hihi!" sabi ko sabay upo pero medyo napahawak ako sa kama ng biglang umikot yung paningin ko. Nabigla lang siguro hehehe.
"Hmm? What is it?" sagot naman niya kaya inayos ko yung buhok ko at inipit yon sa tenga.
"Sino si Juniora? bakit tayo gagawa ng Juniora? At tsaka bakit ko kailangan ng inerhiya kapag dumating ka?? Sabi kasi ni Barbie at ni Stacey yon kagabi bago kami magpahinga." sabi ko kaya napa iwas ng tingin si Rai tsaka siya tumikhim.
Ma search nga mamaya hehe. Baka absent lang ako nung pinag aralan yun ano?
"W-wala yon. Don't mind them. Mag ayos ka na at ngayon na tayo uuwi."sabi nalang niya tsaka siya mabilis tumayo at naglakad palabas.
d. ." b7
Sa prof. ko nalang itatanong yon, lagi naman yun nagtatanong kung may mga tanong kami eh. Hehehe! Tama! Tama!