Yuki's POV
"Nasan na yung pinapadala ko? Nadala mo ba?" tanong ko kay Jin habang naglalakad kami papuntang van. Nauuna kami dahil si Boss at Miss Thea, nag cr muna.
d- -, b
"Pinapadala? Hindi ata nadala kaya tignan ko nalang mamaya sa gamit ko kung nadala ko."sagot naman niya kaya napatango ako dahil sa sagot niya.
Nadala kaya niya? Sana nadala niya.
"May kayamanang tinatago ba si Mr. Miller niyo dito? Hahaha! Kalerki, sasabog na yung bulsa sa yaman ang fafa niyo." singit na tanong nung bakla na nakasunod sa amin dahil nasa likod namin sila kaya nakasunod silang naglalakad.
Fafa?
"Fafa?" tanong ko habang nakalingon na naglalakad.
May nickname palang fafa si Boss? Matawag nga mamaya.
"Eh? Bakit hindi ba fafa yon?! Gawd saan na napunta utak mo- ano palang pangalan niyong dalawa?" tanong ni bakla dahil hindi niya alam ang pangalan namin kaya nagtanong siya.
"Yuki." sagot ko naman.
"Jin." sagot naman ni Jin.
"Ahhh."saad niya ulit habang napapatango. Napasulyap naman ako sa isa pang kasama namin. Para siyang lalaki pero maganda naman.
Agad kong tinanggal yung tingin ko ng tignan niya ako. Napasipol ako habang naglalakad at diretso na ang tingin.
Woah.. Grabeng tingin yun ah. Parang may kuryente.
d. . " b7
Kuryente?
"Kaibigan niyo si Miss Thea bakla?" tanong ni Jin kaya napatingin ako sa kanya at napatingin ako dahil nagsalita siya.
"Barbie. Hindi bakla kagigil ka bwisit! Oo kaibigan namin siya aangal ka!" singhal sa kanya ni bakla- Barbie.
"Ah kaibigan pala kayo. Akala ko friends kaibigan- ay haha! Parehas lang pala yon-"
"Mag kaiba yon g*go." singit ko kaya nabaling sa akin yung tingin niya.
Magkaiba ba yon?
"English yung isa Tagalog naman yung isa kaya magkaiba silang dalawa bobo mo dre."paliwanag ko naman kaya nagsitawanan yung dalawa sa likod namin tapos si Jin ay nagkamot ng ulo dahil nagsitawanan yung nasa likod namin.
"Yung pinapadala ko nadala mo ba??" tanong ko naman kaya napatingin ulit siya sakin."Nadala ko ba? Mamaya titignan ko sa bag kung nadala ko nga. Pero alam ko nadala ko yun eh." sagot naman niya kaya napatango ako.
Sana nadala niya.
Hays...
Pinapadala ko yun tapos hindi niya dinala?
Dapat pala ako nalang ang nagdala para nadala ko.
__
Thea's POV
"Are you done??" sigaw ni Rai mula sa labas.
"Patapos na!!!" sigaw ko mula sa cubicle.
Waaahh!! Huhu!!
dTT_TTb