Thea's POV
"Ako ng bahalang kumausap sa Daddy mo Iha." nakangiting sabi sa akin ni Bondat habang nandito kami sa labas ng restaurant. Ngumiti lang naman ako ng malapad tsaka tumango kaya bumaling na siya kay Pacman. "Puntahan mo ang Tatay mo at ipaalam mo ang tungkol sa magiging kasal niyo. Tatay mo parin yon kaya ipaalam mo sa kanya. Oh siya mauna na ako sa inyo Ha ha ha ha!!" dugtong niya tsaka siya pumasok sa loob ng kotse. Kumaway naman ako sa kanya bilang paalam tsaka sinara ni Rai yung pinto.
Hanggang sa makaalis ang kotse nakasubaybay parin kami ni Rai habang ako naman ay kumakaway parin ang kamay.
"Let's go."saad ni Pacman tsaka siya nagpaunang maglakad.
d. . " b7
May problema ba siya?? Bakit parang kakaiba siya ngayon?
Tinignan ko pa yung likod niya bago tumakbong sumunod sa kanya pero hindi pa ako nakaka abot ng bigla siyang huminto.
Eh?
"Beybeh bakit-" napahinto ako sa pagsasalita ng makita yung babaeng nasa harapan namin pagkalapit ko. Mariin silang nagtititigan ni Rai kaya nagpalipat lipat yung tingin ko sa kanilang dalawa.
d. . " b7
Bakit sila nagtitinginan?
"Long time no see Eydon. How are you na??" nakangiting tanong ni Ate kay Rai kaya napatingin ako kay Pacman.
Magka ano ano ba sila?
"Fine."sagot naman niya tsaka siya bumaling sa akin. "C'mon, may pupuntahan pa tayo."dugtong niya tsaka siya lumapit sa kotse.
"But-"
Napatingin naman ako kay Ate na sinundan ng tingin si Rai.
Gusto niya bang sumama?
Wala ba siyang sasakyan kaya makikisabay siya??
"Hehehe! Gusto mo bang makisabay-"
"No thanks. Ayokong may kasama kapag na sa kotse ako ni Eydon. See you nalang."singit naman niya habang nakangiti tsaka siya tumalikod at naglakad na paalis.
Naiwan namang nakanganga yung bibig ko habang nakatitig sa pakendeng kendeng niyang lakad papalayo.
Grabe hindi pa tapos yung sinasabi ko sumisingit na siya agad! Woah!
"Ano!? Tatayo ka nalang dyan!?" sigaw ni Rai habang nakasilip sa bintana kaya agad akong napatakbo tsaka mabilis na sumakay ng kotse.
Weird.
~
Nakahiga ako ngayon sa kama ko habang nakatitig sa kisame.
Waahhh!!!
dTT_TTb
Hindi ako makatulog!!!!
Dahil ba to sa ininom kong kape kanina??
dTT_TTb
Flashback...
"Rai-"
"I don't want to talk about what happened earlier" singit niya kaya napakamot ako ng ulo habang prenteng nakaupo dito sa passenger seat.