Chapter Dalawampu't Lima

24 1 0
                                    






Thea's POV



Lumipas pa ang mga ilang araw at dumating na rin sa wakas ang Sports Fest pero bukas pa yon. Hihi! Sinabi kasi nung nakaraang araw nung prof namin sa history na napaaga nga daw. Baka masyadong excited yung Dean namin ano?


Linggo ngayon at nandito ako mag isa sa sofa sa sala habang nakahilata. Pagkatapos kasi naming makauwi galing ng Batanes, late ng dumadating ng uwi si Rai tapos maaga namang umaalis sa umaga. Minsan nga hindi ko na siya nakikita eh. Hindi kaya nagtatrabaho yun bilang call center agent? Di ba panay ang english niya? Hehe! Baka nga ano!? Pero...


do_ob


Pwede ring nagbebenta ng drugs!! Kaya siguro mayaman siya ano!? Tsk! Tsk! Ibang klase talaga yan si Rai. Matulungan nga siyang mag benta minsan kyaaahh!! Bakit ngayon ko lang naisip yon!?! Hihihi! Tama! Tama!


\d*o* b/


Tumayo naman ako tsaka ako naghanap ng movie na pwedeng panoorin. Minsan nakakatakot manood ng mag isa pero araw naman kaya ok lang hihi! Mahilig akong manood ng mga autopsy autopsy na yan. Yung mga binubuklat yung katawan ng tao? Ewan ko kung bakit pero gustong gusto kong nanonood ng ganon. Weird pero... Kyaaahh!!! Gusto ko talaga yon!


d^_^ b


Isinalang ko yung movie na panonoorin ko tsaka ako mabilis na nagpunta sa kusina para kumuha ng mangunguya. Pagbalik ko, agad akong sumalampak sa sahig at itinutok ang paningin sa pinapanood. Hihihi! Balita ko maganda daw tong The Autopsy of Jane Doe kaya yan nalang yung panonoorin ko.


dO_Ob


d>>_<<b



"Waaahhh!!! Pak!! Oh ayan sige!! Sabunutan mo nalang kaya!?! Waaahh!! Takbo!! Mali!! Sa kanan ka dapat!!! Hays! Ang bingi mo naman!!! Mali nga!!!! Bakit ba ayaw mong makinig saking bwisit ka!!!!" sigaw ko habang nakatayo sa harap ng tv at ngumunguya ng popcorn.


*chuckles


"They can't hear you babe." biglang sulpot ni Rai kaya napalingon ako sa may pintuan.


do_ob


d*o* b



"Beybeh!!! Kyaahh!! Anong ginagawa mo dito!?!" masayang sabi ko tsaka ako mabilis na lumapit sa kanya.



"Why?? This is our house kaya malamang dito ako uuwi." sagot naman niya tsaka niya ako hinawakan sa kamay at hinila papuntang kusina. "I'm starving. Do you know how to cook?" tanong niya pagkapasok namin ng kusina tsaka niya binitawan yung kamay ko at humarap sa ref sabay bukas nito.


d-  -,  b



Heheheh!


Ako pa ba??


"Yes naman yes. Anong tingin mo sakin hindi marunong? Tabi!" sagot ko naman tsaka siya marahan na tinulak at ako ang sumilip sa ref. Marami naman siyang laman kahit papaano. Hmm... Ano bang pwedeng lutuin?


*chuckles



"Ok let's see." sabi naman niya tsaka siya naglakad papuntang dining at naupo doon habang nakatingin sa gawi ko.


d>>_<<b


Ano ba yan!


Manonood lang siya!?


Napakatamad talaga nitong lalaking to!


Hays...


Hayaan na nga. Baka mamaya hampasin ako ng petchay niyan sa mukha kapag inutusan ko eh.



"Pacman, bakit ka nga pala late ng umuuwi? Tsaka maaga ka ring umaalis. Malakas ba ang kita sa drugs? Hehe! Ma try nga rin minsan!" sabi ko habang hinuhugasan ang repolyo. Nilagang baka nalang ang lulutuin ko hehe! Yun ang gusto kong kainin eh.


"What?? Tss. What are you talking about? What drugs?" tanong niya naman kaya napalingon ako. Hindi ba drugs?


Heheheh!


"Ah... Balot ba? Kaya ba late ka ng umuuwi dahil naglalako ka pa ng balot at penoy-"



"What the f*ck!? Hell no! Ano bang sinasabi mo!? I just had to fix something so I've been busy these past few days." sagot naman niya tsaka siya nagsalin ng tubig sa baso. Napatango nalang ako bilang pag sang ayon tsaka ko binalik yung tingin sa ginagawa.


d.  ." b7


Akala ko naging tindero na siya eh. Bagay pa naman sa kanya.



"Oo nga pala Rai, baka late narin akong makauwi simula bukas hehe!" sabi ko habang nag aayos ng mga gagamitin pang ingredients.


"Why?" tanong niya naman.



Bakit nga ba?



"Ahh... Ichi cheer ko kasi si Drix bukas kasi nga sports fest na namin-"


"What the!? Bakit mo ichi-cheer yung-"



"Ay dapat ba yung Dean namin? Bakit wala namang sinabi yung prof namin na maglalaro yung Dean namin? Hehe! Sige bukas-"


"Dorothea. I'm f*cking serious here!" inis na singit naman niya kaya napalingon ako sa kanya.


d>>_<<b


Bakit ako ba hindi seryoso!?!


Hays! Ang sakit talaga sa ulo nitong Rai nato!


"Tsk! Tsk! Gutom lang yan."sabi ko nalang kaya tinignan niya ako ng masama.


Hehehe! Sabi ko nga hindi siya gutom!



~



"Sarap di ba??" tanong ko habang humihigop ng sabaw. Ang totoo niyan, chef si Mom kaya minsan natuturuan niya akong mag luto ng iba't ibang putahi. Hayyy... Na mimiss ko na tuloy sila. Hihi! Bukas nga dadalawin ko sila ni Dad! Kyaahh!


d*o* b


"Tss. Don't talk when your mouth is full."sabi naman niya kaya napangiti nalang ako.


Sabi ko na magugustuhan niya yan eh! Hihihi!


d^o^ b/


Nilagyan ko kasi ng konting chilli sauce. Pero mukhang hindi naman siya na aanghangan. Wala lang trip ko lang talagang lagyan hehehe!



~



"Hindi ka na ba aalis Rai?" tanong ko habang nililigpit yung pinag kainan namin.


"Yeah. Why? Do you miss me already?" sagot naman niya kaya napatingin ako sa kanya. Nakangisi siya habang nakasandal sa kitchen sink kaya lumapit ako sa kanya.


"Hindi naman. Bakit naman kita iwawala? Sa laki mong yan mawawala ka pa??" tanong ko rin tsaka ko ibinaba yung pinagkainan namin sa sink.


*chuckles


"That's not what I mean!" natatawang sabi naman niya.


Hindi daw.


Eh kakasabi niya lang ng miss diba? Misplace, misplaced, Misplacing ganon din naman yon diba!? Ang gulo talaga niyang kausap kahit kailan!


"Hay! Ewan ko sayo Rai! Ang hirap mo talagang intindihin!!" napapailing na sabi ko sabay tingin sa kanya pero mukhang mali ata dahil bigla niya nalang inilapit yung mukha niya tsaka ako mariin na hinalikan sa labi.


Hanggang sa hindi ko na namalayan na pati ako ay nakikisabay narin sa kanya. Ramdam ko ang paghigpit ng kamay niya sa bewang ko at marahan akong binuhat. Automatic naman na pinalupot ko ang mga binti ko sa bewang niya kaya nagsimula na siyang maglakad habang buhat buhat ako.


Ewan ko kung bakit pero kakaiba ang pakiramdam ko ngayon. Hindi ko maexplain na ewan. Basta! Pati ako naguguluhan.







 Prank on Mafia Boss (GONE WRONG) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon