Thea's POV
"So... Pwede rin ba akong sumama??"
Napatingin naman kami ni Rai sa gawi ng pintuan at doon ay nakatayo si ateng gustong makisakay kahapon sa amin.
d. . " b7
Anong ginagawa niya dito??
"Oh... You two are so... Sweet." sabi niya kaya napatingin ako kay Rai.
do_ob
Bakit ako nakayakap sa kanya?
Akma na sana akong aalis sa pagkakayakap ng bigla akong akbayan ni Rai.
d>>_<<b
Ang bigat ng kamay niya!!!
"Yeah. Do you have a problem with that?" sagot naman Rai kaya napatingin ako kay Ateng pero ngumisi lang siya tsaka ako mariin na tinitigan.
"Pupunta nalang ako ng VII corp. Bye, see you." sabi niya sabay talikod pero...
d>>_<<b
Bakit sinamaan niya ako ng tingin!?!
"Tss."sabi nalang ni Pacman kaya tinanggal ko yung pagkaka akbay niya sa akin tsaka siya sinamaan ng tingin.
Ipapahamak pa ako nito!!
"Bakit mo sinabi yon!! Huhu! Hindi mo ba nakita sinamaan niya ako ng tingin! Mamaya abangan ako sa labas ng school niya eh!" sabi ko kaya taka naman niya akong tinignan.
d>>_<<b
Sige paganahin mo yang pagiging slow mo!
dTT_TTb
"She did that to you!?" sagot naman niya.
Eh?
"Anong ginawa sakin?"tanong ko naman.
"That."sabi niya ulit tsaka siya sumulyap sa pinanggalingan ni Ateng.
"Anong that ba? Ang gulo mo."sagot ko naman kaya napabuntong hininga siya.
d. . " b7
"Just fix your stuff, I'll wait for you outside." sabi nalang niya tsaka siya nagpaunang lumabas.
Hays...
Bakit may asawa akong mahirap kausap?
Pero wait...
Nakalimutan kong itanong kung sino yung girlalu na yon!!!
Hehehehe! Mamaya nalang pala. Mag aayos nalang muna ako ng gamit.
Kyaaaahhh!!!
\d*o* b/
~
Pagkababa ko, naabutan kong nakatayo si Rai sa gilid ng kotse habang may kausap sa cellphone kaya dumeretso na ako sa likod para ilagay ang maleta sa compartment ng kotse.
d>>_<<b
"You're done? Let's go." sulpot naman niya sa gilid ko tsaka ako tinulungan ilagay ang gamit ko dahil sheettt!!! Ang bigat pala!!
"Hehehe! Tara na!! Ang bagal mo talaga!!" sabi ko nalang tsaka ako mabilis na sumakay ng kotse.
Hihihi!! Natawagan ko na kanina sila Stacey and Barbie at pumayag naman sila at bago ako bumaba nag text sila na otw na daw sila.
d^_______________^b
Ganon rin si Drix hehehe!
"Oo nga pala Pacman, sino si Ateng girl kanina? May utang ka ba don at sinisingil ka? Tsk! Tsk! Dapat kasi sakin ka nalang umutang para walang tubo." sabi ko pagkapasok niya. Sinulyapan naman niya muna ako bago niya paandarin yung kotse.
"Ex." sagot niya tsaka niya pinaharurot yung kotse.
Ex?
"Y hehehe!" sagot ko naman pero hindi niya ako sinagot.
Eh?
"Z na ang kasunod Rai hindi mo alam??" sabi ko ulit pero nakatitig lang siya sa daan.
"Ex girlfriend. Tss." sagot naman niya kaya napatango ako.
Aahhh!
Ex naman pala eh. Akala ko Girlfriend eh.
"Bakit kayo naghiwalay? Mabaho ba hininga? Try niya kamo yung Happy Toothpaste para maging happy yung makakaamoy ng hininga niya."sabi ko ulit kaya taka niya akong tinignan.
d. ." b7
Dapat ba Colgate?
"What are you saying??" saad niya ulit kaya napailing ako.
Hays...
Poor Pacman... Poor.
Malala na ang isang to.
"Hehe! Ok lang kahit hindi mo gets. Ang mahalaga hindi ka nagsha shabu."sabi ko nalang pero sinamaan niya ako ng tingin kaya dali dali akong tumalikod sa kanya at tumingin nalang sa labas ng bintana.
d>>o<<b
Mahirap na! Baka hingahan ako sa mukha niyan!
~
"Kyaaaahhh!!!! Stacey! Barbie!! Drix!!" sigaw ko pagkarating namin sa rooftop ng VII Corp.
"Yow Motherf*cker."
"Gagang Thea!"
"Hi Thea!"
Sagot nila pero may bigla nalang humagit ng kamay ko.
"Hey! Anong ginagawa niya'n dito!?" mahinang singhal sa akin ni Rai habang hindi pa kami nakakalapit kila Stacey.
dTT_TTb
Hindi ko nga pala nasabi sa kanya na sinama ko rin si Drix pero...
Hehehe!
"Patas lang kaya. Tatlo yung sinama mo tapos tatlo din ang akin." sabi ko naman.
"What!? Anong-"
"Si Ateng Ex. Sinama mo siya diba kaya dapat tatlo din ang akin."singit ko naman kaya napahawak siya ng bewang niya tsaka siya nag buntong hininga.
Hehehehe!
"Hihihi! Wag ka ng magreklamo!! Tara na Beybeh!! Kyaahh!!" saad ko tsaka siya hinila papalapit kila Barbie. "Kyaaahh!!! Tara na!!" dugtong ko pagkalapit.
"Hindi ka masyadong halata na excited girl." sagot naman ni Barbie.