Chapter 1

126 18 24
                                    


" Clio! im sorry ! " sigaw ng lalaki na para bang umiiyak sa gitna ng dilim. Lalaking hindi ko maaninag ang muka dahil sa madilim ang paligid


" sino ka?! " sigaw ko pero patuloy lamang ito sa pagtawag saaking pangalan at paghingi ng tawad.


" sino kaaa?! " muli kong sigaw ngunit hindi rin nagtagal ay nawala din ang pamilyar na boses at napalitan naman ito ng boses ni mama.


" Clio anak! gumising kana anak pleasee " rinig kong iyak ni mama. Maaaaa! ma asan ka?!bat ka umiiyak?! maaaaa!


Nagising ako dahil sa malamig na pakiramdam bumungad saakin ang puting paligid at ang liwanag ng ilaw sa kisame nahihilo ako at ansakit ng ulo ko para bang hinampas ito ng matigas na bagay.


" Clio anak? gising kana anak nako salamat sa Diyos nagising kana anak " saad ni mama habang umiiyak at agad akong niyakap.


" Nasaan ako ma? " nanghihina kong tanong.


" nasa hospital tayo anak "


" hospital? bakit anong nangyari bat ako nandito? "nagtataka kong tanong dito , tiningnan ako nito ng may bahid na lungkot sa mga mata.


" nacoma ka anak " gulat ko itong tiningnan nacoma ako?


Hindi ako makapaniwalang tumingin dito.pano ? bakit? napahawak ako sa aking ulo dahil sa bigla itong sumakit.

" clio anak are you ok? do you want me to call the doctor? " nagaalalang tanong ni mama.


" no ma im fine " kahit hindi talaga.


" nacoma ka anak almost 1 year nadin at salamat sa diyos dahil nagising kana " muli ay niyakap ako nito habang umiiyak tinapik-tapik ko naman ito para kumalma ito kahit papaano.


" ok nako ma dont cry " pagtahan ko dito.


" i forget i must call the doctor on the time you wake up wait here ok? i'll be back " sabay tumayo at nagdalidaling pumunta sa pinto.


Malawak ang siwang ng pintuan nang buksan ito ni mama, habang sumesenyas siya na maghintay lamang ako, may nahagip ang aking mga mata.


Isang lalaking nakaitim na sumbrero at nakasuot ng surgical mask ang nasa labas. Matagal ang titigan nang magtama ang mga mata naming dalawa. Naputol lamang ito nang tuluyang lumabas si mama at marahang sinara ang pinto.


" OK lang yan anak 3 days lang naman sabi ng doctor e " panunuyo ni mama saakin. Dahil sa naiinis ako sa ulikbang doctor nayon ayaw pako palabasin kesyo oobserbahan pa daw ako ng mga 3 araw if may changes daw na mangyayari sakin.


" hays ma naman halos isang taon na pala akong natutulog sa hospital nato tas balak pa nilang dagdagan ng tatlong araw?! "


" anak kalma ka lang jan kailangan ka pa daw kasing obserbahan alam mo naman iyon diba? " sabi ni mama habang nagbabalat ng mansanas.


" obserbahan?obserbahan nila mga ulo nila ! " sigaw ko. Matapos kong sumigaw ay nakaramdam nalang ako na may bumaon na kuko sa braso ko.


" aray ko ! " daing ko matapos akong kurutin ni mama.


" ikaw bata ka manahimik ka diyan at baka marinig ka nila itikom mo yang bunganga mo ha hindi ka na talaga nagbago kala ko makakalimutan mo ng maldita ka hindi padin pala hays " inis na sabi ni mama sabay abot sakin ng tapos niya ng balatang mansanas.


𝚄𝚗𝚍𝚎𝚛 𝚝𝚑𝚎 𝚂𝚞𝚗𝚜𝚎𝚝 [ 𝚂𝚎𝚟𝚎𝚗𝚝𝚎𝚎𝚗 𝚂𝚎𝚛𝚒𝚎𝚜 1 ]Where stories live. Discover now