NANG makalabas kami ng Blue Magic ay nagmamadaling naglakad si Xia.
" Tell me the truth Xia! Anong pinagsasabi ng babae nayon? Anong second chance kay Migs? Anong hindi mo sinasabi sakin? May alam ka ba sa aksidente ko? " sunod -sunod kong tanong kay Xia.
Hindi ako nito pinapansin at nauuna lang itong naglalakad.
" Xia! " tawag ko dito sabay hila sa bucket hat niya dahilan para mapatigil siya sa paglalakad at hinarap ako.
" do you really believe sa lahat ng pinagsasabi ng bitch nayon? " seryoso nitong tanong.
Hindi ako agad nakapagsalita. I don't know but I feel something. Isa pa hindi siya makikipag-away sa babaeng yon ng walang dahilan.
" ngayon mo lang siya nakilala Clio so please don't believe her " sagot nito sabay na tinalikuran ako at naglakad muli.
" what are you hiding from me Xia?! " sigaw ko na ikinatigil niya muli.
" anong meron sa aksidente ko? Akala ko ba bestfriends tayo? Half sister? Pero bakit hindi mo sinasabi saakin?! " tanong ko.
" bestfriend moko Clio almost half sister too but I don't have the right to tell you Clio , I'm sorry. " sagot nito sabay na naglakad papalayo.
So totoo nga may alam siyang hindi niya sinasabi saakin...
Umuwi ako agad para kausapin si Mama dahil pakiramdam ko rin ay may alam ito sa mga nangyare. Pag-uwi ko ay bumungad saakin si Vernon na nakaupo sa sala.
Kaibigan nito si Migs at for sure may alam ito...
" hoy ! Anong alam mo tungkol saamin ni Migs?! " sigaw ko habang hawak ito sa braso.
Gulat naman itong napatingin saakin.
" a-anong pinagsasabi mo? " saad nito.
" ano nanaman yan Clio ha , anong oras ka na umuwi tapos ginaganyan mo pa ang kapatid mo? " rinig kong saad ni mama.
" sabihin niyo ang totoo sakin ma , anong totoong nangyare sakin? " diretsyo kong tanong.
" ano bang pinagsasabi mo ha? " nakakunot-noo nitong tanong.
" tama na pagsisinungaling saakin ma! Anong nangyare ?! Bakit ako naaksidente?! " nangingiyak kong tanong dito.
Hindi ko na mapigilang maluha dahil sa isiping niloloko ako ng mga tao sa paligid ko. Na niloloko ako ng mga taong pinagkakatiwalaan ko ng husto.Hindi ito nagsasalita at nanatiling nakatayo sa harapan ko.
" a-ano ko si Migs ma? " tanong ko muli.
Huminga muna ito ng malalim.
"Boyfriend mo siya noon at siya ang dahilan kung bakit ka naaksidente Clio. Nakita mo siyang nagpopropose sa isang babae noon " nangingiyak nitong saad.
Halos hindi ako makahinga dahil sa narinig. So hindi ko kaibigan si Migs? dahil boyfriend ko siya?
Pero bakit siya nag pakilala sakin as my friend?
" hindi siya nagpropose sa ibang babae ma! Ano ba! " inis na sigaw ni Vernon.
" all this time, sinisisi ko ang sarili ko kung bakit ako naaksidente tapos...tapos malalaman ko lang na may iba palang dahilan?! " sigaw ko habang nagsisimula ng tumulo ang luha ko.
Bigla nalang ako nakaramdam ng sakit sa ulo at dibdib sa nalaman. Hindi ko maintindihan bakit? I immediately run out of our house dahil feeling ko masusuffocate ako dito.
YOU ARE READING
𝚄𝚗𝚍𝚎𝚛 𝚝𝚑𝚎 𝚂𝚞𝚗𝚜𝚎𝚝 [ 𝚂𝚎𝚟𝚎𝚗𝚝𝚎𝚎𝚗 𝚂𝚎𝚛𝚒𝚎𝚜 1 ]
Teen Fiction𝙰 𝚕𝚘𝚟𝚎 𝚋𝚞𝚒𝚕𝚍 𝚞𝚗𝚍𝚎𝚛 𝚝𝚑𝚎 𝚜𝚞𝚗𝚜𝚎𝚝. 𝚆𝚑𝚊𝚝 𝚒𝚏 𝚘𝚗𝚎 𝚍𝚊𝚢 𝚢𝚘𝚞 𝚓𝚞𝚜𝚝 𝚠𝚘𝚔𝚎 𝚞𝚙 𝚒𝚗 𝚝𝚑𝚎 𝚑𝚘𝚜𝚙𝚒𝚝𝚊𝚕 𝚋𝚎𝚍? 𝚆𝚑𝚊𝚝 𝚠𝚘𝚞𝚕𝚍 𝚢𝚘𝚞 𝚍𝚘 𝚒𝚏 𝚊𝚕𝚖𝚘𝚜𝚝 𝚊𝚕𝚕 𝚢𝚘𝚞𝚛 𝚖𝚎𝚖𝚘𝚛𝚒𝚎𝚜 𝚠𝚎𝚛𝚎 𝚐𝚘𝚗...