Chapter 21 - The Invitation

21 6 3
                                    

AFTER our deep talks, we decided to go home dahil sa masyado nading malalim ang gabi kaya kailangan na naming umuwi.

" anong ginagawa mo dito ha?! " galit na sigaw ni mama ng makita si Migs.

Sinama ko ito pauwi para siya mismo ang magkwento ng lahat kay Mama.

" ma, Nandito siya para personal na sabihin sayo kung ano ang totoo. " sagot ko.

" ang sabihin mo personal tayong lokohin! Lumabas ka dito ! Hindi ko kailangan ng walang kwenta mong sasabihin! " sigaw muli ni mama habang hinahampas si Migs.

Pero hinaharangan ko ito para hindi niya maabot si Migs.

" ikaw! Ikaw babaero ka! Manloloko! Ikaw ang may kasalanan kung bakit hanggang ngayon hindi parin natutupad ni Clio ang pangarap niya! Tapos may gana ka pa talagang magpakita saakin?! " galit na sigaw ni mama habang hindi parin titigil sa panghahampas kay Migs.

" Please pakinggan niyo muna po ako " pakiusap naman ni Migs.

" ma, pwede ba makinig ka naman " inis na saad ni Vernon habang pinipigilan si Mama.

Tumigil ito sa panghahampas kay Migs habang hinahabol ang hininga nito.

" kung kayo naniniwala sa mga kasinungalingan niyan pwes ako hindi! " sigaw nito muli sabay na naglakad paakyat sa kwarto nito.

Napabuntong hininga nalang ako dahil dito. Mas sarado pa si mama kesa saakin, ganon talaga hindi nila maiintindihan kasi nga magkaiba kami ng henerasyon at iyong ang hindi nila maiintindihan  na change is part of life.

" I'm sorry talaga Clio " nakayukong saad ni Migs.

" mahirap talaga kausapin si Mama " saad ni Vernon.

Tama siya mahirap talaga ito kausapin. Sinundan ko ito papunta sa kwarto nito at nakitang nakaupo ito sa kama.

" Ma..." tawag ko. Pero hindi ito nagabalang lingunin ako.

" Ma, please makinig ka naman " saad ko pero hindi parin ako nito nililingon.

" Ma " tawag ko sabay hawak sa balikat nito.

" wag mo kong kausapin , maniwala kayo sa manlolokong yon kung gusto niyo " saad nito habang inaayos ang higaan niya.

" pero ipapaalala ko lang sayo na ang lalaking iyon ang may kasalanan kaya hanggang ngayon hindi ka parin guro " matamlay nitong saad bago humiga at tinalikuran ako.


Hindi ko na talaga ata mababago ang isip nito...


Napabuntong hininga nalang ako bago lumabas ng kwarto nito.





DAYS past na hindi kami kinakausap ni Mama. Sa umaga magluluto lang ito ng agahan at lalabas na para diligan ang mga mahal niyang halaman. Ganon din sa tanghalian at hapunan hindi niya kami kinakausap ni pinapansin.

Nasa isang bahay lang kami pero sa tuwing magkakasalubong kami dito sa bahay eh para kaming invisible sa mga mata nito.


Satingin ko its really hard for her to accept it.


Nasa harapan ko ngayon ang reviewers ko para sa Bar Exam ng makarinig ako ng katok mula sa pintuan ko.


" pasok " saad ko.


Its Vernon. Tahimik lang itong lumapit saakin at may nilapag na white envelope sa study table ko.


Napakunot-noo naman ako sa nilapag nito.

𝚄𝚗𝚍𝚎𝚛 𝚝𝚑𝚎 𝚂𝚞𝚗𝚜𝚎𝚝 [ 𝚂𝚎𝚟𝚎𝚗𝚝𝚎𝚎𝚗 𝚂𝚎𝚛𝚒𝚎𝚜 1 ]Where stories live. Discover now