Chapter 5

58 11 32
                                    

Pagkauwi ko sa bahay ay dirediretsyo ako sa kwarto ko naglock ng pinto at pabagsak na humiga sa kama ko.

Bakit ganon?

Bakit ang pogi pogi naman niya?!

Ngayon ko lang siya nakita pero parang ugggh!

Dahil sa di ko alam kung tama ba tong nararamdaman ko ay nagpagulonggulong ako sa kama ko na parang tanga.

" Hoy " rinig kong tawag ni Vernon. Dahilan para matigil ako sa kakagulong.

" bakit? " gulat kong tanong.

" kakain na " sagot nito sabay irap sakin.

Aba may parolleyes na nga...

Dahil sa pang-eepal ni Vernon sa kwarto ko ay bumaba nalang ako agad para kumain.

" Ma? " tawag ko habang nakatingin kay mama.

" ano yon? " sagot ni mama habang nagsasalin ng tubig sa baso.

Andito kami sa kusina at kumakain dahil sa hapunan na.

" May naaalala kaba na kaklase ko dati na dito nakatira? " tanong ko.

Napatingin naman ito saakin at napahinto sa ginagawa niya na para bang nag-iisip.

" alam mo anak marami kang naging kaklase noon na dito nakatira bakit mo naman natanong ha? " sagot nito.

" hmm kanina kasi nung lumabas ako may nakausap ako na lalaki naging kaklase ko daw siya noon pero di ko na siya maalala eh " sagot ko sabay subo ng kanin.


" aba ang galing mo talaga ano? Ni wala ka pa atang isang linggo nakalabas ng hospital eh lumabas kana paano kung may nangyaring masama sayo ha? " sermon nito.


" kalma lang ma , buhay pako oh diba? Kumpleto pa naman ako " pamimilosopo ko.

" kumpleto ka? " singit ni Vernon

" oo " nakakunot noo kong sagot dito.

" kumpleto daw e kulang nga yang memorya mo remember? " saad nito ng nakangisi.


" Ha ha so funny " sarkastiko kong saad sabay na inirapan ito.

" Tama na yan magsikain nga kayo ng tahimik " saway ni mama.




Matapos kong kumain ay tumakbo ako agad palabas ng kusina para makaiwas sa hugasin at para si Vernon ang utusan HAHAHHAHA

Pagkapasok ko ng kwarto ko ay nilock ko ito agad at pabagsak na humiga sa kama ko. Nilibot ng mata ko ang buong kwarto ko wala parin akong maalalang kahit anong nangyare dito sa kwarto ko kung may special bang nangyare or what hays.

𝚄𝚗𝚍𝚎𝚛 𝚝𝚑𝚎 𝚂𝚞𝚗𝚜𝚎𝚝 [ 𝚂𝚎𝚟𝚎𝚗𝚝𝚎𝚎𝚗 𝚂𝚎𝚛𝚒𝚎𝚜 1 ]Where stories live. Discover now