Chapter 10

36 7 7
                                    

" Hay saan kaya iyong shop nayon alam ko talaga meron iyon dito e " saad ni xia habang naglalakad kami dito sa mall para maghanap ng flower shop.

Magmomothers day na kasi bukas at balak ko bigyan si mama ng flowers at chocolates. Kaya tinawagan ko si Xia para magpasama bumili at agad naman siyang pumunta para samahan ako.

" ay wait lang Clio, naiihi nako eh cr lang ako " sagot nito.

Kaya pala kanina pa siya hindi mapakali HAHAHHAHA

" sige " sagot ko.

" ikaw? Di ka naiihi? " tanong nito.

" hindi pa naman " natatawa kong sagot.

" osige wait moko dito ha , wag ka aalis diyan baka maligaw ka " Biro nito bago naglakad papunta sa Cr.

" saan kaya iyon " saad ko sa sarili.

Kanina pa namin hinahanap iyong flower shop nayon at halos mahilo na kami kakaikot dito. Sa paglalakad ko ay napansin ko ang isang lalaki na may hawak na boque of flowers at ang gaganda ng mga bulaklak nito.

Tanungin ko kaya sakanya kung saan niya nabili iyong mga bulaklak nayon?

Dahil sa kailangang kailangan ko talaga ng bulaklak para iregalo kay mama ay kinapalan ko na ang mukha ko at nilapitan ko na ang lalaki.


" ahmm Excuse me Mr. Pwede bang mat- " hindi ko natapos ang sasabihin ko ng bigla itong sumigaw.

Halaa Anong ginagawa nito?

Inano kita? Kinalabit ko lang naman siya huh?

" I'm sorry , please I'm sorry talaga hindi naman namin sinasadya yon tinutulungan ko lang naman siya magpractice e patawarin mo nako " saad nito habang magkadikit ang mga palad.

Huh? Bakit siya nagsosorry?

" oh kita mo ? Maikli na tong buhok ko! Hinding hindi nako magpapahaba uli please lang ayoko na pumanget uli ang buhok ko!! " nagmamakaawa paring sagot nito.

Habang ako naman heto gulonggulo parin kung bakit siya nagsosorry sakin...

Baka maling tao naman iyong sinasabi niya.

At nakakahiya na dahil marami ang nakatingin saamin dahil sa pag sigaw niya.

" ahh Mr. Pasensya na ha tatanungin ko lang naman sana kung saan ka nakabili ng flowers " naiilang kong tanong dito.

Bigla naman siyang napahinto at napatingin sa bulaklak na hawak niya.

" so d-di m-moko k-kilala? " mahinang tanong nito.


Tumango lang ako biglang sagot.

Bakit sino kaba?

Nagbuga naman ito ng hangin habang hinahawi ang buhok.

" oh sayo na " sagot nito sabay na iniabot ang bulaklak saakin.

Magsasalita pa sana ako ng bigla nalang nitong inilagay ang isang daliri sa bibig ko para pigilan ako magsalita.

" sayo na yan , walang bayad basta...basta please sana hindi na tayo magkita uli Ok? Kapag nakita moko? Please wag mong pansinin ang angel na katulad ko ha " bilin nito sabay na naglakad palayo.

𝚄𝚗𝚍𝚎𝚛 𝚝𝚑𝚎 𝚂𝚞𝚗𝚜𝚎𝚝 [ 𝚂𝚎𝚟𝚎𝚗𝚝𝚎𝚎𝚗 𝚂𝚎𝚛𝚒𝚎𝚜 1 ]Where stories live. Discover now