Chapter 25

18 4 11
                                    


NANG matapos ang exam ay nagsiayos na kaming lahat para makalabas nadin dahil may susunod pa daw na magtatake ng exam.

" grabe no nakakakaba magexam " rinig kong saad ng katabi kong babae na nag-aayos nadin ng gamit niya.

" oo nga e " sagot ko sabay na bahagyang ngumiti.

" sana makapasa tayo hays matagal ko na itong hinihintay eh " natatawa nitong saad sabay sabit ng bag niya sa kanyang balikat.

Ako din sobrang tagal na...

Sabay kaming lumabas ng silid at sabay ding naglakad habang nagkukwentuhan palabas ng building na ito. Ang daldal niya napakadami niyang inoopen na topic at nakakatuwa siyang kausap.

" btw I'm Pam " pakilala nito sabay lahad ng palad saakin.

" I'm Cli- " hindi ko natapos ang sasabihin ng marinig ang pangalan ko mula sa malayo.

" Clio! "

Pareho kaming napalingon sa tumawag saakin at gayon nalang ang pagngiti ko ng makita kung sino ito.

Miggy...

Nakangiti ito habang may hawak na bouquet of red flowers at nakasandal sa kotse nito. Kahit nasa malayo ito ay kitang-kita ko ang napakagwapo nitong mukha at napakagandang ngiti nito.

" sino yan? Wait boyfriend mo ba yan? " hindi makapaniwala nitong tanong.

Boyfriend? Ang sarap sa pakiramdam na sabihin iyon...

" ahmm yeah , " nahihiya kong saad.

" Omg! Ang gwapo naman " hindi parin makapaniwalang saad nito habang pinapanood ang papalapit na si Miguel.

" kamusta exam? " tanong nito ng makalapit na saamin.

" Ok naman medyo mahirap lang " sagot ko.

" here flowers for you " saad nito sabay na abot saakin ng bulaklak.

" para saan naman to? " natatawa kong tanong dito.

" ahmm if you still not remembered, I used to give you flowers everyday " saad nito sabay tap sa ulo ko.

S-seryoso?

" Let's go? " tanong nito. Tumango naman ako dito sabay na hinarap si Pam.

" una na kami ahh...goodluck satin " saad ko sabay hawak sa kamay nito. Tumango lang ito habang nakangiti.

Nauna namang naglakad si Migs para pagbuksan ako ng pinto pasakay sa kotse nito.

" where do you want to go? " tanong nito habang nakatuon ang tingin sa pagmamaneho.

Hmm saan ba pwede pumunta?

Nasa gitna ako ng pag-iisip nang maramdaman kong hinawakan nito ang kamay ko. I looked at him but he's still focus on driving but got the chance to hold my hand.

" wala kang maisip na pwede puntahan? " tanong nito muli.

" yeah, I'm sorry " tipid kong saad.

" that's fine ako nalang bahala " saad nito sabay na sumulyap sakin ng may ngiti sa labi.

Sabay nito ay ang mas lalong paghigpit ng hawak nito sa kamay ko. I smiled secretly knowing that he's holding my hand like there's no end.

𝚄𝚗𝚍𝚎𝚛 𝚝𝚑𝚎 𝚂𝚞𝚗𝚜𝚎𝚝 [ 𝚂𝚎𝚟𝚎𝚗𝚝𝚎𝚎𝚗 𝚂𝚎𝚛𝚒𝚎𝚜 1 ]Where stories live. Discover now