Chapter 4

73 12 31
                                    


Matapos kong kumain ay bumalik ako muli sa kwarto ko naghalungkat ng mga nakatago kong gamit na halos isang taon ko ding hindi nakita at nagamit.

Sa paghahalungkat kong ginawa ay marami akong nakita merong mga makeup, mga old pictures ng mga kung sinosino na i think mga kilalang personality, meron ding mga notes at mga hand written letters.

Tiningnan ko rin ang bookshelf maalikabok na ang ilan dito, may mga libro na parang ilang dekada na dahil sa itsura nitong luma na at may mga iilang punit narin.May mga iilang libro din na nakabalot na sa plastic cover kaya muka pading bago.

Napatingin ako muli sa kabuuan ng bookshelf na ito at napaisip na ganito pala ako kabaliw pagdating sa mga libro.Punong puno ang bookshelf ng kung anoanong uri ng libro pati sa sahig ay may mga iilang libro ang nakakalat.

Ilang oras din ang nakalipas ay nakaramdam na ako ng gutom kaya naman ay agad-agad akong bumaba sa kusina para maghanap ng lalamunin. Pagbaba ko sa kusina ay wala halos laman ang ref namin.

" teka bahay bato? nakakaloka may ref nga wala namang laman" maktol ko.

" Ma?! "

Hinanap ko sa buong bahay si mama pero wala ni anino nito dito. Pati si Vernon ay hinanap ko rin pero wala rin ito dito.

" san naman kaya nagpunta mga taong yon ? " inis kong saad.

Umakyat ako muli sa kwarto sabay na kinuha ang wallet at sumbrero ko napagisipan ko nalang na maghanap ng makakain sa labas kahit na hindi ko pa ganoon ka kabisado ang lugar.

Paglabas ko ng gate ay maraming bata ang nakakalat sa daan na naglalaro sa ilalim ng init ng araw. Mga batang pawis na pawis na sa sobrang pagod at init pero tuloy padin sa masaya nilang paglalaro.

Napaisip ako sa nakikita , ganito rin ba ako kasaya nung bata ako? teka nakakapaglaro bako sa labas noon? hindi ko na maalala pa at kahit kaunti manlang ay wala akong maalala hays tuluyan na atang nawala ang parte ng alaala ng pagkabata ko.

" hays busog " saad ko habang nakaupo at nakapikit.

Busog na busog ako dahil sa dami ng nakain ko lahat ng nadaanan ko ay may binili ako para ba akong biglang nagcrave ng makita ko ang mga pagkain na iyon may siomai, kwekkwek, milktea, turon at iba pa na halos maubos ang pera ko dahil lang sa pagkain.Napalingon ako sa wristwatch na suot ko halos mag aalas-singko na pala.

Ilang minuto lang sa pagupo ay tumayo na akong muli para magsimulang maglakad pauwi ng bahay. Napahinto ako sa kinatatayuan ng makita ko ang papalubog na araw.

Napakaganda nito sabayan pa ng malakas pero masarap na simoy ng hangin, hangin na walang bahid ng kahit anong polusyon.

Para bang may biglang pumasok sa isipan ko ang imahe ng isang babae at lalake ang nakaupo sa malawak na lupain habang sabay na pinapanuoran ang magandang paglubog ng araw. Magkaharap ito na para bang nagtititigan habang nililipad ng malakas na hangin ang buhok ng babae.

Sunset...

They  said sunset symbolizes the completion of a day's work and shows the passage of time. That as the sun sets, it is time to end the day and take a break. Sunsets is one of the beautiful views that i ever seen . Its one of beautiful scenery that i really loved because for me it is also symbolizes that not all the ending is not beautiful .

" ang ganda ng sunset no? ," rinig kong saad ng isang malalim na boses mula sa likuran ko

ang ganda ng sunset

bigla akong nakaramdam ng hindi maipaliwanag na kaba para bang narinig ko na ito nuon pa pero hindi ko maalala kung kanino , kung sino!

Nilingon ko kung saan nagmula ang pamilyar na boses na ito, Sa paglingon ko ay tumambad sa akin ang isang lalaki ,matangkad ito , moreno at may itsura. nakatayo ito habang pinapanood ang pagbaba ng araw while wearing this familiar smile.

𝚄𝚗𝚍𝚎𝚛 𝚝𝚑𝚎 𝚂𝚞𝚗𝚜𝚎𝚝 [ 𝚂𝚎𝚟𝚎𝚗𝚝𝚎𝚎𝚗 𝚂𝚎𝚛𝚒𝚎𝚜 1 ]Where stories live. Discover now