Chapter 24

13 4 7
                                    

AFTER 3 Days kasi magbaBar Exam na ako. Kaya naman kahit madaling araw na ay nagrereview padin ako kaharap ang mga review papers at sa laptop ko.

" hays ang sakit na ng mata ko " saad ko sa sarili sabay na tinanggal ang eye glass ko.

Mayamaya pa'y nagulat ako ng biglang may tasang pababa sa lamesa.Napatingin ako at napatingin sa naglapag nito.

" M-ma " gulat kong saad.

" Hot Choco para mabawasan yang antok mo " saad nito.

After a week ngayon niya lang uli ako kinausap. Simula kasi noong naging Ok na kami ni Migs ay hindi niya nako kinakausap.

" Thankyou po Ma " nakayuko kong sagot.

Hanggang sa naramdaman ko nalang na bahagyang lumubog ang inuupuan ko.Umupo ito sa tabi ko at hinawakan ang kamay ko.

" Clio anak, I'm sorry kung hindi ko sinabi ang totoo sayo..." panimula nito.

Tumingin ako ng diretsyo dito at nakinig sa susunod niyang sasabihin.

" ang gusto ko lang naman kasi eh kalimutan natin ang lahat ng nangyare noon. Mahal kita anak at ayoko na masaktan ka uli dahil sa lalaking iyon. " nangingiyak nitong saad habang hinihimas ang buhok ko.

" ikaw lang ang babae kong anak at ayoko na mawala kapa , kayo ng kapatid mo ayoko na mawala kayo saakin. " dagdag nito.

Alam ko kung gaano nasaktan si Mama noong namatay si papa dahil sa isang aksidente at paniguradong sobrang natakot din ito ng maaksidente ako.I hold her hand tight sabay na hinawi ang buhok nito sa likod ng tenga nito.

" Ma, alam ko naman na pinoprotektahan mo lang kami pero kasi ma malaki na kami diba " sagot ko.

Tumango lang ito habang hindi mapigilan ang pagluha.

" Ma, kahit anong mangyare hindi ka naman namin iiwan e. Kahit mag-asawa pa kami hindi ka namin iiwan gusto mo tumira kadin sa bahay namin go lang " natatawa kong saad dito.

" so may balak ka ng mag-asawa? " sagot nito sabay masamang tumingin saakin.

" lah , mama binibiro lang naman " natatawa kong sagot.

" Biro lang, dadating naman talaga kayo doon at magiging masaya ako para sainyo. " sagot nito sabay na hinigpitan ang hawak sa kamay ko.

" susuportahan ko kayo palagi anak hanggang sa huling araw ng paghinga ko susuportahan ko kayo iloveyou so much anak " dagdag nito sabay na niyakap ako.

" thankyou ma, iloveyou too " sagot ko sabay na hinalikan ito sa noo at niyakap ng mahigpit.





3 Days After

Maaga akong gumising para maghanda sa Bar Exam ko na ngayon ang schedule. Nag-ayos muna ako ng sarili bago bumaba para kumain ng Almusal.

Pagbaba ko ay si Mama lang ang nakita ko na nasa kusina.

Nasaan si Vernon?

Usually kasi ito ang bumubungad sakin sa umaga. Hindi ko alam kung maaga ba siyang nagigising o hindi talaga siya natutulog kakaonline games.

" hindi pa umuuwi si Vernon Simula kahapon " rinig kong saad ni mama.

Huh?

Madalas ko nading napapansin na gabi na ito umuuwi at halos buong araw siyang wala dito. Hindi tulad noon na halos hindi na siya makilala ng mga kapitbahay namin dahil sa hindi siya lumalabas.

𝚄𝚗𝚍𝚎𝚛 𝚝𝚑𝚎 𝚂𝚞𝚗𝚜𝚎𝚝 [ 𝚂𝚎𝚟𝚎𝚗𝚝𝚎𝚎𝚗 𝚂𝚎𝚛𝚒𝚎𝚜 1 ]Where stories live. Discover now