Chapter 8

33 8 20
                                    

" MA , punta lang akong Booksale ha maghahanap lang ng libro " paalam ko habang nagsusuot ng rubber shoes.

" hindi mo ba isasama si Xia? Wala kang kasama niyan Alam mo namang mayamaya sumasakit yang ulo mo " saad nito habang diretsyo at seryosong nakatingin sakin.

" ma , kalma kaya ko na to may dala naman akong gamot diba tsaka may pasok kasi si Xia sa school ngayon kaya hindi ko na siya niyaya " sagot ko.

" si Vernon nalang kaya isama mo? " nag-aalala nitong saad.

Napangiti naman ako dahil masyadong kabado si mama. She's still worried about me kahit na ilang taon nako hays.

Lumapit ako dito sabay na niyakap ito mula sa likod niya.

" ma, stop worrying about me, Kaya ko na sarili ko at Alam ko kung anong dapat kong gawin in case of emergency Ok? " saad ko then give her a kiss.

" Ok basta tumawag ka kung may kailangan ka ha " saad nito.

" yes ma , alis nako! " paalam ko sabay na patakbong lumabas.

Pagbaba ko sa UV na sinakyan ko ay naghintay ako na magkulay berde ang stoplight para makatawid papunta sa Mall. Pero habang tumatagal sa paghihintay ay bigla nalang akong nakaramdam ng pagkirot sa ulo ko.

Clio!

Clio!

Napahawak ako sa ulo ko dahil sa kirot at dahil sa nga naririnig ko hindi ko makilala ito pero hindi ito tumitigil.

Pinilit kong tingnan ang kalsada na puno ng sasakyan pero medyo Malabo na ito sa paningin ko. Naaninag ko naman na nagkulay green na ang stop light sign na pwede na tumawid.

Hahakbang na sana ako pero bigla akong nahilo dahilan para mawalan ako ng balanse pero ilang minuto ang nakalipas at hindi ko naramdaman ang kalsada.

Naramdaman ko nalang na may bumuhat sakin papunta sa kabilang kalsada.

" Ok lang ba siya ijo? " rinig kong tanong ng isang lalaki.

" ako na pong bahala sakanya salamat ho " saad ng pamilyar na boses.

I can't look at them dahil sa tuwing bubuksan ko ang mga mata ko ay umiikot talaga ang paningin ko.

" osige ijo , pagpahingahin mo iyan at baka pagod " dagdag nito.

" sige ho " saad nito sabay na binuhat akong muli.

Dahandahan kong dinilat ang mga mata ko at bumungad sakin si Miguel na nakatingin lang sa cellphone niya.

Arrghh ang sakit ng ulo ko...

" You're awake thank God " saad nito ng makitang gising nako.

Nilibot ko ang paligid at narealize na nasa kotse kami.

" I'm sorry dito lang kita dinala sa kotse "

" no, its fine Ok lang ang sakit ng ulo ko " sagot ko sabay hawak sa ulo ko.

" ahmm may gamot ka ba diyan? Maintenance? " worried nitong tanong.

" yah , meron nasa bag ko " nakapikit kong sagot.

" here , inumin mo muna ito oh " saad nito sabay abot sakin ng bottled water at ng gamot.

Huminga muna ako bago muli dinilat ang mga mata ko.

𝚄𝚗𝚍𝚎𝚛 𝚝𝚑𝚎 𝚂𝚞𝚗𝚜𝚎𝚝 [ 𝚂𝚎𝚟𝚎𝚗𝚝𝚎𝚎𝚗 𝚂𝚎𝚛𝚒𝚎𝚜 1 ]Where stories live. Discover now