Chapter 26

15 2 0
                                    

" Nasabi ko naman din sayo na napakamemorable din ng lugar nato para sakin diba? " saad nito. Tumango lang ako dito.

Matapos namin sa Café ay  niyaya naman ako nitong pumunta dito sa beach. Nang makapunta kami dito ay saktong papalubong na ang araw kaya hindi na ganoon kainit and araw.

" pero Hindi ko nasabi na ikaw iyong taong nagbigay ng lugar na ito saakin " dagdag pa nito.

Napalingon naman ako dito ng nakakunot-noo. Memorable pala ang mga lugar na pinupuntahan namin pero bakit wala man lang akong maalala?!.

" you take me here , when I'm in the middle of darkness " nakangiti nitong saad.

" I'm standing on the bridge, empty minded then suddenly i hear your voice... "

" kuyaaaaa! Wag...wag mo ituloy yan " sigaw nito.

Hindi ako nag-abalang lumingon at nagpatuloy lang sa pagtayo dito sa mataas na parte ng tulay...

I... I just want to end this chapter of my life...

Nakakapagod nang huminga...

" Kuya..." tawag nito na ngayon ay mas malapit na sa kinatatayuan ko.

" kuya...alam mo ang panget panget ng view dito " dagdag nito dahilan para kumunot ang noo ko.

A-ano daw?

" n-nakakasuffocate..."

Bahagya ko itong nilingon. Isang maliit na babaeng niyayakap ang kanyang sarili habang kusot ang mukhang nakatingin sa paligid na para bang isang kasumpasumpang lugar ito.


" alam mo mas maganda sa favorite kong lugar... " saad nito sabay na tumingin sakin.

" so ? " blanko kong saad dito.

Nakita ko naman kung paano nagbago ang ekspresyon nito dahil sa sinabi ko. Teka...ito iyong babae sa café ahh?

𝚄𝚗𝚍𝚎𝚛 𝚝𝚑𝚎 𝚂𝚞𝚗𝚜𝚎𝚝 [ 𝚂𝚎𝚟𝚎𝚗𝚝𝚎𝚎𝚗 𝚂𝚎𝚛𝚒𝚎𝚜 1 ]Where stories live. Discover now