• Twenty Six •

80 5 7
                                    

Catalina Konan

°°°

Bumalik sa normal ang lahat-- hindi madalas bumaba si Sir Claudius sa kan'yang office dahil talagang iniiwasan niyang magtagpo ang landas nila ni Mr. Lefebre. Bantay sarado ang 40th floor na kahit si Lauren o Anastasia, hindi na hinahayaang makarating doon. Katulad pa rin ng dati, si Hailey ang umaasikaso sa mga meetings niya hangga't kaya. Siya at ako lamang ang hinahayaan niyang pumasok sa kan'yang opisina.

Though I didn't dare to come to his office anymore. Ayoko siyang abalahin sa paperworks niya.

Ilang araw akong ginugulo ng konsensya ko para kay Gavin. Hindi ko iyon maiwasan, lalo't madalas nga niya akong sinasamahan sa office. Gustuhin ko mang magpaka-totoo, wala akong lakas ng loob para aminin sa kan'ya 'yun.

Pakiramdam ko ay pinapaasa ko siya habang tumatagal, at alam kong habang tumatagal na hinahayaan ko 'to, mas lalo akong makakasakit.

"Hey, Konan. What is it?" narinig ko pang humikab si Seven sa kabilang linya.

"H-Hi, Seven. Good morning. Naistorbo ba kita?"

"Na-uh. Hindi naman ako natulog."

"Bakit naman? Kahit gaano ka pa ka-busy, kailangan mo pa rin matulog. Hindi kaya maganda sa katawan natin ang hindi natutulog. Sabi nila Gavin madalas ka raw puyat dahil sa trabaho mo. You should learn to do your time management properly."

Natawa naman siya kaya naitikom ko ang bibig ko agad. Baka mamaya ang dating sa kan'ya ay nanenermon ako.

"A-Abiso lang naman bilang kaibigan," bawi ko.

"Hahaha! How cute," sagot niya, "But it's okay, I’m okay. Anyway, I’m surprised you called me first. Is there any problem?"

Napalunok ako. Niyakap ko ang dalawang tuhod ko. Si Seven ang tinawagan ko dahil siya ang pinaka close kay Gavin. Gusto kong humingi ng abiso sa kan'ya sa kung anong dapat kong gawin at baka mabigyan niya ako ng lakas ng loob para sabihin na ito kay Gavin.

"A-Ano..." nahihirapan akong umpisahan.

"Don’t tell you saw a ghost in your apartment?! Where exactly? Inside the bathroom? Watching you or what?" bulalas niya kaya bahagya akong nagulat. Sininghalan ko siya sa takot.

"S-S-Seven! Anong... anong multo sinasabi mo?!"

Geez. Hindi ko naman 'yun iniisip pero ngayong nabanggit na ni Seven, awtomatiko tuloy na lumawak ang imahinasyon ko.

"Huh? So, why do you sound nervous?"

"Am I...?"

"Yeah. So it’s not because you saw a ghost?"

"It’s not! I’m not even thinking about that! P-Pero ngayong nabanggit mo... totoong bang may multo rito?" humina ang boses ko sa huling tanong, "Please tell me there’s none."

Hindi siya nagsalita sa linya. Kumunot ang noo ko sa pananahimik niya.

"Seven?"

"Well, the truth is... there’s something strange inside there. Noong nawala si Silvanna at hindi pa dumadating si Betina, kapag chine-check ko ‘yung CCTV diyan sa loob, may nakikita akong puting imahe ng batang lalaki. Palagi siyang nakaupo sa sulok ng sofa--- sa tabi ng bintana."

S-Shemay. Alas nuebe ng umaga at natatakot ako? Bakit naman kasi makulimlim at umuulan? Nataon pang wala akong pasok!

Hinatak ko ang kumot hanggang sa umabot 'yun sa leeg ko. Humigpit ang kapit ko sa cellphone ko habang nagpapatuloy siyang magsalita.

Filed Up Feelings (Charity Series #2)Where stories live. Discover now