• Thirty Four •

81 1 0
                                    

Catalina Konan

°°°

Hindi ko na mabilang kung ilang beses akong napabuga ng hangin ngayong gabi dahil sa mga iniisip. Una na ro'n ay dahil hindi matanggal sa isip ko ang muling pag-iyak ni Gavin noong nagkausap kami sa cellphone. E, sa naawa ako e? Gano'n pa man wala rin akong magagawa kundi ipagdasal na lang ang damdamin niya.

Pangalawa ay dahil sa sinabi ng kapatid ko nang minsang magpalitan kami ng mensahe sa messenger. Kinumusta ko kung binabanggit ba 'ko nina Mama pero wala daw nasasabi tungkol sa 'kin. I guess, they really don't like me for having lots of flaws unlike to my sister.

Though I knew that since the beginning, masakit pa rin kahit paulit-ulit mo nang nararamdaman.

"I told my father about you."

Nawala ako sa mga iniisip ko nang biglang magsalita si Sir Claudius na nakaupo sa sofa. Bahagya siyang nakayuko sa kan'yang laptop na nasa ibabaw ng maliit na mesa, umangat ang tingin niya sa 'kin nang banggitin 'yun.

"W-What...?"

"I told my father about you, Konan. I said I wouldn’t marry Lauren because I have a girlfriend--- and that’s you. I finally talked to him to tell about our relationship," seryosong bulalas niya.

Expected ko naman nang malalaman ni Mr. Lefebre ang tungkol sa 'min simula nang harapin ako ni Anastasia pero hindi ko lang maiwasang magulat dahil... hindi naman ako girlfriend ni Sir Claudius. I mean, now that he mentioned it, sa isang iglap ay napaisip ako kung ano ba ang mayro'n kami.

Are we friends with benefits?

"Anong sabi n‘ya?" tanong ko na lamang.

"What do you think? He got mad of course," he shrugged the idea, "But I don’t care. Hindi ko siya pinakelaman no’ng nagpapalit-palit siya ng babae. So since he forced himself again in my office, I had no choice to tell him the truth."

"T-Truth about?"

"About us."

Bumuka ang bibig ko upang dagdagan ang tanong na 'yun pero kusa rin itong tumikom. Dumako ang paningin ko sa ibaba. Ang sabi ko sa sarili ko noon, kuntento na 'ko sa kung anong nangyayari sa 'min ngayon dahil ayokong dumagdag sa responsibilidad niya. Pero... sa loob-loob ko ay gusto kong magtanong.

I bit my lower lip as my thought deepened. Can he just ask me to be his girlfriend in the middle of his crisis?

Heto na naman ako sa pagiging selfish ko... kumalma ka, Konan. Hintayin mo na lang muna na umayos ang sitwasyon.

Noticing I had gone quiet, he can't help but asked, "Is there something bothering you?"

Umangat ang itim na mata ko sa kan'ya. This is not the right time to be demanding. I'm sure when the arranged marriage is call off, he would talk to you about your relationship.

Bumuga ako ng hangin at pinilit ngumiti sa kan'ya, "Wala naman. Kinikilig lang ako na girlfriend na ang tingin mo sa ‘kin," bigkas ko.

Sandali siyang natulala sa 'kin pero agad din naman nakabawi, "Are you not?"

"Huh?" my brow knotted.

Imbes na linawin 'yun, kinuha niya ang isang baso na naglalaman ng red wine at ininom ang laman no'n. Habang kumakabog ang dibdib ko tungkol sa sinabi niyang 'yun, tumayo siya para lumapit sa akin. Napasandal ako sa inuupuan kong sofa nang yumuko siya at isandal ang dalawang kamay sa sandalan ng inuupuan ko.

Tinitigan niya 'ko ng mabuti, napalunok ako habang nakatingala sa kan'ya.

"Why are you giving me a confuse look, Konan? So, what do you think about us if you’re not my girlfriend?" he seriously asked.

Filed Up Feelings (Charity Series #2)Where stories live. Discover now