Catalina Konan
°°°
Ngayon lang yata ang ma-swerteng araw na hindi nagpunta si Gavin dito sa office. Masaya niyang binalita sa akin na kasama ang guild niya sa darating na tournament at-- ngayong araw iyon gaganapin.
Sa kabilang banda, punong-puno siya ng pagpapaalala sa akin na 'wag akong pupunta kay Sir Claudius dahil magseselos daw siya. Sa totoo lang, hindi naman niya malalaman kung bibisitahin ko ang isa, ang problema nga lang ay paano mangyayari 'yun kung hindi ko ma-contact si Sir Claudius. Ayoko namang pumunta na lang do'n nang walang pasabi.
Panay din ang text at tawag sa akin ni Gavin, katulad ngayon.
"I’m kind of nervous right now. This is the first tournament I’ll ever join! I hope we could win," anito sa kabilang linya.
"Nandiyan ka na, e. Kaya mo ‘yan," bulalas ko na lamang habang tinitignan ang mga na-kumpleto kong email sa computer.
"Hey."
"Bakit?"
"Cheer for me, Konan."
"I’m... I’m cheering for you spiritually," sagot ko.
"Yeah?" tumawa siya, "I miss you already. I really want to be with you all the time. You’re like a drug, I’m so addicted to you, you know that?"
Tumigil ako sa ginagawa ko. Ano ba ang dapat kong isagot? Nitong mga nakalipas na araw, hindi ko na alam kung paano rumespunde sa mga ganitong salita niya. Hindi na 'ko sanay, hindi katulad ng dati na kinikilig pa ako.
"A-Ano... uhm..."
"I understand you’re speechless. I love you," anito dahilan para lalo akong hindi makasagot.
Kung kasalukuyan ko pang niloloko ang sarili ko, malamang sinagot ko na ito ng 'I love you, too.' Pero sa kaso namin ngayon, wala akong ibang maramdaman kundi pagka-ilang sa kan'ya.
Wala akong lakas ng loob para tanongin siya kung bakit siya nagkaganito bigla. Napaka layo na niya sa dating Gavin na kilala ko.
Nang dahil lang sa pagpapaka-totoo ko sa kan'ya noong nakaraan, ito ang naging dulot.
"Hey... answer me," malalim na tugon niya nang hindi ako magsalita.
"W-What should I say?" bahagya akong kinabahan.
Sandaling natahimik sa linya. Pagkatapos ay narinig ko ang malalim na pagtawa niya, "Am I making you nervous? We’re sweet, right? Hindi ako sanay na gan‘yan ka sa ‘kin. Nakakatampo."
"G-Gavin..."
"Are you going to oppose that? Don’t, Konan. I’m a man of my words, I am willing to die for you if you want to."
"Stop saying that, Gavin." bigla akong nainis nang banggitin niya 'yun. Hindi ko alam kung totoo o hindi, pero kilala ko siya, gagawin niya ang anumang sabihin niya.
"I said if you want to."
"Why would I want---"
"Because I’m yours and you’re mine. Dapat, kung anong sabihin ko, ‘yun lang ang gagawin mo. Kung anong sabihin mo, ‘yun lang ang gagawin ko. Fair, yes?" he continued, "So please behave for my sake. I’ll get jealous."
"Sabi mo hindi ka makikipag-kumpitensya kay Sir Claudius? Why does it sound different?" I can't help but asked.
"Eeh...? Yeah I said that. Bakit naman ako makikipag-kumpitensya sa kan‘ya e akin ka nga ‘di ba? I’m not considering him as my rival because from the very beginning, you already made me feel that you are mine. Ahh, pwede mong sabihin na pinagseselosan ko lang siya dahil ayoko ng may kaagaw."
YOU ARE READING
Filed Up Feelings (Charity Series #2)
General FictionCHARITY SERIES #2 Catalina Konan Nievez, is a Producer who lost her job presently because of her poor performance at work despite her enthusiasm and commitment. After losing her job, the pressure and affliction she endure from her family was enough...