• Eighteen •

108 4 6
                                    

Catalina Konan

°°°

Today, I'm wearing a feminine Chiarina Gown— with long off-shoulder sleeves, a pudded bustier, two front slits in this shimmering rose gold patterned glitter fabric and a pair of silver rhinestone slingback heels.

And I’m with Sir Claudius.

Nasa magkabilang dulo kami ng backseat, nakasalumbaba siya gamit ang kan'yang kamao habang blangko ang tingin sa bintana. Samantalang diretso naman ang upo ko at hindi na makapag-hintay pang bumaba sa limousine na sinasakyan namin.

Si Hailey dapat ang kasama ko ngayon para sa isang event na pupuntahan namin, pero dahil busy siya at saktong invited si Sir Claudius, heto at siya tuloy ang kasama ko.

Anyway, my guest is in that event so I really have no choice but to appear. Doon kami mag-uusap tungkol sa invitation.

Palihim akong sumilip sa mukha ni Sir Claudius nang biglang dumako ang itim na mata niya sa 'kin sa gano'ng posisyon pa rin. Napaiwas tuloy ako agad ng paningin at tumikhim ng wala sa oras.

Baka sabihin niya, ninanakawan ko siya ng tingin.

"Are you comfortable?" I heard him asked.

I forced a smile and nodded, "Y-Yeah. I wish Hailey could’ve come with us today."

"That wouldn’t have been possible," he replied, "Hailey has too much work to do."

"She seemed stressed, too. Paano kaya kung... magbakasyon muna kayo, lalo na ikaw. Siguradong mabigat ang problema mo dahil kay Mr. Lefebre."

He returned his gaze outside the window and didn't respond. I stared at him for a long time.

Kung may magagawa lang ako para matulungan ka, gagawin ko. Pero alam naman natin na pagdarasal lang ang kaya kong i-alay sa 'yo, e. If I were Tiara, maybe I would help you feel even more better.

I heaved a sighed and decided to comfort him with my own words, "I’m still praying for you. So don’t let the sadness eat you, Claudius. I’m willing to help you with whatever I have. Hindi rin naman kasi madali ang nangyayari sa inyo ng tatay mo at naiintindihan ko ang pinanggagalingan mo. Ang dami mo na ngang iniisip, tapos ito pa ang dadagdag sa ‘yo. Kaya ‘wag mo ako masyadong po-problemahin dito sa event na ‘to. I can handle my guest."

With his lips slightly parted, Sir Claudius turned to looked at me. Unti-unti, ramdam ko nang nilalamon na ulit ako ng hiya sa mga nasabi ko pero kahit gano'n, pinakita ko pa rin sa kan'ya ang ngiti ko na nagsasabing sumusuporta sa kan'ya.

Then my heart skipped a beat. We stared for each other noiselessly and stayed like that for who knows how long.

All I knew is I love this feeling... I love how he always take time and stared at me with that emotionless face of him.

Naputol lang ang pagtititigan namin nang huminto na ang sasakyan at magsalita ang driver niya na nandito na kami sa event. Parang doon lang bumalik ang kaluluwa ko kaya naman maka-ilang ulit kong tinampal ang pisngi ko.

Ang tagal naming magkatitigan sa mata ng isa't-isa. How awkward!

Pagbaba namin ng sasakyan ay bumungad agad sa 'min ang maraming tao. Garden ang theme ng event ngayon, may mga waiter na naglalakad para mag-abot ng pagkain o wine sa mga tao, halata rin na mayayaman ang nandito dahil sa magaganda nilang kasuotan-- particularly those businessmen.

Medyo kinakabahan ako. Sa buong buhay ko kahit no'ng nagta-trabaho pa 'ko sa Dwellsmith, hindi ko pa naranasan makihalubilo sa mga ganitong kaganapan.

Filed Up Feelings (Charity Series #2)Where stories live. Discover now