• Thirty Eight •

95 1 0
                                    

Catalina Konan

°°°

Ngayong araw, nagdesisyon si Sir Claudius na hindi  pumasok sa opisina at dito na lang muna ipagpatuloy ang ibang trabaho. Sabi niya, nando'n daw si Mr. Lefebre sa Protegé at iniiwasan niya munang magkasalubong sila dahil sa naganap na sagutan nila no'ng isang araw. But come to think of it, that was few days ago tapos ngayon lang niya naisipang idahilan 'yun? If I know, madalas naman talagang nando'n si Mr. Lefebre kaya nga hindi siya pumapasok dati para iwasan 'yun.

Gusto ko mang isipin na may iba pang rason... pero kalahating araw na't hindi pa rin siya lumalabas ng office room niya.

Hindi kaya nakalimutan niya?

"Konan, nakikinig ka ba? Tulala ka," rinig kong bulalas ni Ate Reah-- on call maid ng mansion ni Sir Claudius.

Napabuntong hininga ako at sumubo na lang ng ubas. Gusto ko sanang ipaalala sa kan'ya kung anong mayro'n ngayon pero ayoko naman siyang istorbohin. Saka, alam naman niya 'yun, e!

"Ano nga ulit ‘yung kine-kwento n‘yo? Kinain ng malaking ahas si Erah tapos naging babaeng ahas siya?"

Natigil siya sa pagma-map ng sahig at tinignan ako, "Ano ba ‘yang sinasabi mo? Ang kwento ko, pumunta si Erah at Ethel sa kabilang destinasyon ng mundo at may naging gabay sila para mahanap si Alberto. ‘Yung malaking ahas ang naging gabay nila."

"...ah, s-sorry mali pala," paumanhin ko.

Kinu-kwentuhan kasi niya 'ko tungkol sa teleseryeng pinapanuod nila ng pamilya niya tuwing gabi. Nakalimutan ko 'yung title dahil sa iniisip ko.

"Kung iniisip mo si Sir Claudius, puntahan mo na sa taas. Hindi naman ‘yun magagalit pag ikaw ang nagpakita," aniya at nagpatuloy sa ginagawa.

"Hindi naman po ‘yun ‘yong iniisip ko..." mahinang usal ko.

"E ano pala iyon, hija?"

"Ano... kasi... ano, e..." hindi ko masabi dahil sa kaunting dismayang nararamdaman ko.

"Huh?"

Sumubo ako ng ubas at pinilit na lang siya ngitian, "Iniisip ko lang kung ilang butil ng bigas kaya ang nasa isang kilo?"

Hindi siya nagkapagsalita at nakanganga akong nilingon. Natawa ako ng bahagya sa reaksyon niya.

"Seryoso ka ba diyan, Konan?" tanong niya.

"Mm-mm. Sinubukan ko ‘yun bilangin no’ng elementary ako pero nalito lang ako. Uhm, ang huli kong bilang bago ako mawala ay 2,700 na. Tapos narinig kong umiyak ‘yung kapatid ko kaya nawala ako sa pokus," ani ko pa habang natatawa sa sinasabi ko.

"Jusko ka," napapailing na lang niyang kumento kaya lalo akong natawa. I'm not lying, I really did that way back in my elementary days-- out of curiousity, of course.

Tumayo ako at uminom ng tubig bago magpaalam sa kan'ya para puntahan si Sir Claudius sa kan'yang office room. Habang umaakyat ako, pumasok na naman sa isip ko 'yung tunay na dahilan kung bakit ako bahagyang nadidismaya at nalulungkot.

Nag-e-expect ako kanina na may iba pang rason kung bakit niya napiling hindi pumasok, e. Pero bigo lang ako. Hays!

Hindi naka-lock ang pinto ni Sir Claudius kaya naman dahan-dahan ko itong binuksan para silipin siya. Nando'n siya sa harap ng kan'yang malaking lamesa, papalit-palit ang tingin sa computer na nasa harap at sa papel na kan'yang hawak.

Amp. Mukhang napaka busy niya nga.

I sighed inwardly and was about to close the door when I heard him called my name.

Filed Up Feelings (Charity Series #2)Where stories live. Discover now