• Thirty One •

87 3 0
                                    

Zen

°°°

This is not the first time I comforted a broken hearted friend. It happened before to Gavin when his cousin passed away. He was so stubborn, too dramatic. Pero kung ihahalintulad ko 'yun sa nangyari sa kanila ni Konan, mas malala 'tong sitwasyon niya.

God... he's like a dead man! He can't even talk properly to us, he just look, walk, nod, like a zombie.

Good thing my babe has a very long patient to this boy.

At dahil mahaba ang pasensya ni Betina sa kan'ya, kung saan-saan na kami nakarating. We ate in eat-all-you-can yesterday, we went to amusement park, we window shopped, we gave him space-- and now we’re here in arcade. And finally, I think it's kinda working.

Nanunuod lang ako kina Betina at Gavin na naglalaro ngayon ng "Guitar Hero", two player ang laro pero hindi ko na mapansin pa kung nakakasabay ba si Gavin o hindi dahil nakatutok lang ako sa laro ni Betina.

Damn man, she's so good! Sobrang bilis ng kamay niya, halos maduling na nga 'ko para lang masundan ang mga line sa screen pero siya, ni isang beses hindi pa nagkakamali.

"B-Betina, I’m losing," kumento ni Gavin sa tabi niya.

"Yeah. So keep up!" sagot naman ng bebe ko na hindi man lang siya tinapunan ng tingin.

Napangisi ako. Napaka swerte ko naman at na sa kan'ya na talaga ang lahat. Maganda, matalino, magaling sa kahit anong bagay, pati ba naman sa paglalaro ng guitar hero inangkin na niya.

"Babe, don’t stress yourself, hmm? Kapag napapagod ka na kay Gavin, magpahinga ka lang." paalala ko.

Syempre iniisip ko ang kalagayan ni Betina. She’s one month pregnant and I'm so fucking happy to know we’re having a baby. Kung sino man ang maging kamukha sa 'ming dalawa, ayos lang. Maganda siya, pogi ako. Hehe.

Habang nanunuod, may mga babaeng nagsisilapitan sa 'kin para magpa-picture. Napabuntong hininga ako. Gusto ko sanang tumanggi dahil mawawala ang atensyon ko kay Betina pero ayoko namang magmukhang isnabero kaya sa huli, pinagbigyan ko na lang.

"I lose," rinig kong saad ni Gavin habang binabalik ang gitara sa lalagyan.

Lalapit na sana ako sa kanila pero may mga humarang pa sa 'kin para magpa-picture. Pilit akong napangiti sa kanila saka tumingin kay Betina nang marinig ko siyang magsalita.

"That’s life, sometimes you win, sometimes you lose. Cheer up! Kain tayo ng sweets?"

"I always lose and never win..."

"Nananalo ka nga sa LOL, e."

"Iba naman ‘yun. But when it comes to people I love, they always leave me behind. In the end, I’m always hurting and losing."

"Just because Silvanna died and Konan left you? Bakit doon ka bumabase? Kahapon ko pa sinasabi sa ‘yo na hindi lang dapat sa kanila iikot ang mundo mo. You have your family, your friends. This is a lesson, Gavin."

"Lesson? Why do I have to be taught twice? Palibhasa, masaya na kayo ni Zen. Walang kaagaw si Zen sa ‘yo, even if he have, you will always choose him! Pero sa ‘kin may pumipili ba? Hindi mo alam ‘yung nararamdaman ko, Betina. You’re not in my place to say that. Hindi nakakatulong sa totoo lang."

Kumuyom ang kamao ko nang marinig 'yun sa bibig ni Gavin kaya naman kahit may mga nagpapa-picture pa sa 'kin, nilayasan ko sila para makalapit sa kan'ya.

"Gavin, what the heck did I heard?" hahatakin ko na sana ang kwelyo niya nang hawakan ako ni Betina sa braso.

Nakita kong seryoso na ang mukha ni Betina habang nakatingin sa salubong na kilay ni Gavin.

Filed Up Feelings (Charity Series #2)Where stories live. Discover now