• Eleven •

100 9 9
                                    

Catalina Konan

°°°

Today is the day that I’m going to meet my first ever guest and up until now, I'm still wondering why Gavin’s ignoring me.

Usapan na namin ito na sasamahan niya ako sa unang guest ko pero mukhang malaki ang galit niya sa 'kin para hindi ako pansinin maski sa messenger. Tamang seen siya sa 'kin at hindi ko iyon maintindihan!

Huling message ko sa kan'ya, pumunta siya rito sa office dahil weekends naman at umaga lang ang pasok niya para masamahan niya pa 'ko pero... as usual, hindi siya nagreply.

Malakas akong napabuga sa hangin dahil sa pag-iisip kay Gavin. Gusto ko siyang tanongin kung anong problema pero hindi naman niya 'ko pinapansin. Ilang araw na ang lumipas, wala pa rin ba siyang balak na kausapin ako? Wala naman akong nagawa sa kan'ya, e.

Nandito na ako sa building office ni Sir Dennis at paakyat na ng hagdan nang hindi sinasadya ay may nakabangga akong lalaki na may bitbit na malalaking wooden frame. Ako ang nakabangga sa kan'ya pero ako 'yung natumba sa sahig. Ano ba 'yan nakakahiya!

Agad gumuhit ang sakit sa mukha ko. Hindi biro ang pagkakaupo ko sa sahig.

"M-Miss, sorry!"

Inalalayan ako nitong tumayo. Patuloy siya sa paghihingi ng pasensya.

"Sorry talaga hindi kita napansin. Okay ka lang?"

Napahaplos ako sa balakang ko at pilit siyang nginitian, "O-Okay lang ako. Ako ang may kasalanan, sorry."

"Hindi, sorry talaga."

"Oo sige wala ‘yun," sagot ko na lang.

Nakabaliktad ang suot niyang pulang cup sa kan'yang ulo at nakasuot ng plain white shirt. Dahil sa mga binaba niyang wooden frame, naalala ko ang pinunta ko rito.

"Kilala mo ba si Sir Dennis? May appointment kasi ako sa kan‘ya ngayon," usal ko.

"Ah, si Sir Dennis? Anong appointment ‘yun?"

"Tungkol sa invitation ng CVA fundraising party. Isa akong event coordinator," bulalas ko.

Lumiwanag ang mukha niya sa narinig, "Talaga? Ikaw pala ‘yung sinasabi ni Sir Dennis na magaling daw? Tara, sasamahan na kita."

Gusto ko sana siyang kontrahin sa sinabi niya pero kinuha na ulit niya ang mga wooden frame at tinanguhan ako na sumunod. Napabuga na lang ako sa hangin.

Magaling daw...? Sino namang nagsabi no'n? Si Light?

Habang umaakyat kami ay hindi ko maiwasang kabahan ng sobra. Ilang araw ko na 'tong dala at mas lumala ngayon lalo pa't hindi ko kasama si Gavin! Geez, I really am super nervous right now.

But I practiced this, did I? Pinaghandaan ko 'to kaya wala na akong dapat pang ikatakot. Malalagpasan ko 'to. Ayokong mapunta sa wala ang mga pinaghandaan kong outline at mga pinag-isipan kong salita para kay Sir Dennis, ayokong mapahiya si Light at ayokong madismaya si Sir Claudius.

Kaya mo ito, Konan. Kaya mo ito!

Nang makarating kami sa tamang palapag, kumatok na sa pintuan ang lalaki.

"Sir Dennis, nandito na ‘yung hinihintay n‘yo na event coordinator ng CVA."

Sandali lang din ay bumukas na ang pintuan. Nagpapawis ang kamay ko nang tuluyan ko na siyang makita. Nakasuot ito ng reading glasses, asul na polo at naka-brush up ang kayumangging buhok. Nakaamang ng kaunti ang kan'yang manipis na labi at kumurap-kurap sa akin.

Filed Up Feelings (Charity Series #2)Where stories live. Discover now