• Thirty Nine •

102 3 0
                                    

Catalina Konan

°°°

"A-Ateee! Tumigil ka na nga sa kaiiyak mo! Kung maka-iyak ka akala mo nagpropose na ng kasal si Kuya Claudius sa ‘yo, e!"

Napasinghot ako at paulit-ulit na pinunasan ang pisngi ko dahil sa luha. Pakiramdam ko, namamaga na ang mata ko. Hindi ko kasi mapigilang maiyak sa tuwa, e. Akala ko kasi nakalimutan ni Sir Claudius 'yung birthday ko kagaya ng paglimot nila Mama.

Niyakap ako sa gilid ng kapatid ko, "Shh... don’t cry na, Ate. Ang panget mo, promise."

Pabiro ko siyang tinignan ng matalim, "Ngayon na nga lang ulit tayo nagkita manlalait ka pa, e ‘no?"

"Paano kasi ang OA!" tatawa-tawa niyang asar.

Napatingin ako sa mga katabi namin. Masayang nagku-kwentuhan ang mga kaibigan ko mula sa Dwellsmith. Kagaya ng pagkagulat ko nang makita si Katie rito, hindi ko rin inaasahan na pati sila ay inimbitahan ni Sir Claudius.

Hindi sila makapaniwalang boyfriend ko ang CEO ng Protegé. Ako rin naman, e. Hindi rin ako makapaniwalang hahantong sa ganito.

"So, paano nagsimula ang lahat?" biglang tanong ni Katie sa 'kin habang kumakain ng buko pie.

"A-Anong paano?"

"Paano kayo naglandian, gano’n! Kasi sabi ng isa sa mga kaibigan mo sa Dwellsmith, mailap daw ‘yang si Kuya Claudius sa mga babae. Dami raw nagkakandarapa diyan pero---" umarte ito na parang kinokoronahan ang ulo ko, "Bitch, it’s you who won the crown! Congratulations, Ate! Nakapamingwit ka ng gwapong mayaman!"

Natawa ako sa kan'ya at inilingan siya. Nakapamingwit... ano 'to, isda?

"Katie, stop," bulalas ko, "Kumusta na pala sila Mama at Papa? Ano nang lagay nila?" tanong ko na lamang.

Kumagat ito sa buko pie, "Tinanong ko nga kanina kung sasama ba sila rito pero... wala, e. Nakakapagod daw. Pinasundo pala ako ni Kuya Claudius sa mga guards n‘ya!"

Hindi ko napigilang malungkot sa sinabi niya. Nakakainis lang na alam ko naman na ang tungkol sa mga ganitong bagay pero kada maririnig ko, ibang klase pa rin 'yung sakit.

Mukhang napansin ni Katie 'yun kaya naman alinlangan siyang tumawa, "P-Pero okay lang ‘yun, Ate. Parang hindi ka naman sanay sa mga ‘yun. Kahit wala sila rito, nandito naman ako. Ito nga o, regalo ko sa ‘yo," tinaas niya ang maliit na paper bag na hawak at binigay sa 'kin.

"Bakit naman nag-abala ka pa?" tanong ko.

Ngumiwi ito, "Parang ‘di ka naman sanay na nagpapalitan talaga tayo ng regalo ‘no! Buksan mo."

Binuksan ko ang paper bag na binigay niya at kinuha ang nasa loob no'n. Biglang humagod ang puso ko... isang maliit na photo album na puno ng pictures namin ni Katie.

"Ta-da~ iniipon ko talaga ‘yung mga picture natin. Sinubukan kong maghanap ng picture n‘yo nina Mama pero wala akong makita, e. Kaya ‘yung sa atin na lang! Ganda ‘no?" bulalas niya habang nakatitig ako sa photo album na 'yun.

Ngayong araw na 'to, ilang beses ba ako dapat maiyak sa tuwa? Parang kanina lang nag-aalala ako't nalulungkot pero ngayon...

"K-K-Katie..."

Tumingin siya sa 'kin at pinunasan ang tumulong luha sa mata ko, "Ano ba naman ‘yan. ‘Yung Ate ko iyak ng iyak parang tanga."

"K-Kasi... hindi ko alam na... iniipon mo pala---"

"Shh!" nilapat niya ang daliri sa labi ko at ngumiti, "Happy birthday, Ate. Always remember that even if our parents doesn’t like you, I’m always here no matter what."

Filed Up Feelings (Charity Series #2)Where stories live. Discover now