• Three •

187 15 7
                                    

Catalina Konan

°°°

Ilang ulit ko pinag-isipan ang trabahong alok sa akin ni Tiara. Ilang beses kong tinanong ang sarili ko kung kaya ko ba maging event coordinator o magkakalat lang ako ro'n, ilang beses ko ring sinabi sa sarili ko na, "hindi, charity organization 'yon at nando'n si Sir Cladius. H'wag mong ipahiya ang taong 'yon."

Napabuga ako ng hangin at sumandal sa sofa na nandito sa aming salas. I've made my decision. Whatever it may be, I just hope I don't regret this sooner or later.

"Hindi na ba magbabago ang desisyon mo, Ate?"

Lumipat ang mata ko sa 'king katabi na si Katie. Nasa mukha niya ang pag-aalala.

"Katie, 'wag mo na akong tignan at tanongin ng gan'yan at baka magbago pa ang isip ko. O-Okay na ako," natawa ako sa sarili.

Sabi nga ni Sir Claudius, bibigyan daw nila 'ko ng 24 hours para mag-isip. Ngayong tapos na ang oras, ayoko silang paghintayin ng matagal at magpaka-importante. Mamaya ay magkikita kami ni Tiara para sabihin ang pinal kong desisyon.

But before that, I have discussed this with my sister. For sure our parents won't care but Katie's different so I already told her my decision.

"Kung diyan ka sasaya. Alam mo namang gusto ko lang na masaya ka, e. Ang panget naman kung malungkot ka na nga rito tapos... panget pa 'yung desisyon mo," ika niya, "Basta palagi mong tatandaan na susuportahan kita kahit anong mangyari. K-Kahit w-wala ka na rito sa..." lumukot ang mukha niya at para bang naiiyak na.

Kaagad ko siyang dinikitan at niyakap. Natawa pa nga 'ko pero sa totoo lang, naiiyak na rin ako sa kan'ya.

"Katie..."

"Ateeeee!" at tuluyan na siyang humagulgol sa 'kin.

Pinigilan kong maiyak kaya naman natawa na lang ako sa inaakto nito. Sa totoo lang, nakaka-touch na naiiyak pa siya sa akin dahil aalis na ako rito-- oo, lilipat na ako sa apartment na tinutukoy ni Light at... tinatanggap ko nang maging isang event coordinator.

At some point, Tiara's words lift up my confident. Saka, parang ayoko rin siyang hindian dahil sa mga sinabi niya sa akin.

Can you believe that? You can only count on your fingers the times we've met, yet, she's trusting me already-- and that's rare for the people around me. Usually, Katie's the only person who would give me courage because she knew what I'm going through.

"Bakit ka ba umiiyak? Gusto mo rin akong paiyakin?" natatawang bulalas ko.

Naramdaman ko siyang umiling, "W-Wala na kasi akong kasama rito, e..."

"Anong wala? E, anong tawag mo kina Mama?" kumalas ako sa yakap at mataman siyang tinitigan, "Favorite ka nga nila, e. Tapos sasabihin mo wala? E, lagi ka nga nilang hinahanap. Saka, magkikita pa tayo. Ang OA mo ah!"

"Pero..." yumuko ito at suminghot, "Gusto kong mag-sorry sa 'yo, Ate."

Hindi ako sumagot at nginitian lang siya.

"K-Kasi... pinapakitaan ka ng hindi maganda ng magulang natin. Pinapakita nila sa 'yo na mas pabor sila sa akin por que may karangalan ako sa school. Nagkakamali rin naman ako---"

"Pero mas madalas akong magkamali kaysa sa 'yo," putol ko sa kan'ya na kinatigil niya.

Nagpatuloy ako, "Kung tutuusin, lahat na nga nasa 'yo, e. Siguro 'yun 'yong dahilan kung bakit paborito ka nila. You should be happy! You're lucky. But don't get me wrong, I'm not jealous of you, just... a little?" sinabayan ko ito ng tawa, "But honestly, parang hindi ko yata mas maaatim kung ikaw ang nakakaramdam ng nararamdaman ko. So, cheer up! Don't mind too much of your sister."

Filed Up Feelings (Charity Series #2)Where stories live. Discover now