Chapter 8 Christian

1.1K 12 5
                                    

**Angie's Pov**

"May ini-expect ka bang bisita"?tanong ko kay Kim Paolo na kalapit ko sa sofa.

"Wala"!sabi niya na nakatutok lang ang tingin sa TV. Season finale ng paborito naming series sa netflix.

"Nagpadeliver ka"?tanong ko ulit kay Kim Paolo"

"Nope"!sabi niya na may kasama pang pag-iling.

"Para kasing may tao sa labas"sabi ko

"Baka yung boyfriend mo"!casual na sabi ni Kim Paolo sabay sulyap sa akin.

"Hindi naman niya sinabi na pupunta siya" casual kong sabi.

"Angie"!Bigla narinig kong may tumatawag sa akin. Boses ng lalaki yung tumawag.

"Angie daw"!sabi ni Kim Paolo na bahagya pang sinipa ang paa ko.

"Baka si guard"!patay malisya kong sabi.

"Open the door na"! sabi ni Kim Paolo.

"Bubuksan na nga po"!sabi ko sabay Tayo para tunguhin na ang pinto.

"Christian"!napalakas kong sabi, nagulat kasi talaga ako. I'm not expecting anyone. At mas lalong hindi ko ini-expect na makita si Christian dito sa condo.

"What are you doing here"?mahina kong tanong. Wala akong matandaan na sinabi ko sa kanya kung saan ako nag-istay dito sa Manila.

"Aakyat ng ligaw"!mahinang sabi ni Christian. Buti na lang mahina ang boses ni Christian kundi narinig ni Kim Paolo na hindi ko naman boyfriend si Christian.

He was just an imaginary boyfriend na pinangalanan ko lang dahil sa mataas kong pride.

But now na kaharap ko na si Christian hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman.

"Come in"!alanganin kong sabi. kabastusan kasi kung hindi ko siya papatuluyin.

Pormal na mukha ni Kim Paolo ang naabutan namin sa sala kaya nag-alangan ako.

"Si Christian"casual kong sabi sa pormal pa ding si Kim Paolo.

"Kim Paolo pare"! sabi niya kasabay ng paglahad ng kamay sa harap ni Christian.

"Para sa'yo"!sabi ni Christian sabay abot ng isang pumpon ng bulaklak. At sa pagkagulat ko, sunflower din.

"Bakit sunflower"?wala sa loob kong tanong.

"Para maiba lang"all smile na sabi ni Christian.

Susme sa dami ng bulaklak bakit sunflower!

Naguluhan tuloy ako!

Na-confused tuloy akong bigla. Is this God's way of telling me na hindi si Kim Paolo yung para sa akin.

Pinapa-realized ba sa akin ni God na may iba pang lalaki na karapat dapat para sa akin?

Hindi ko alam ang ire-react ko kaya natulala ako. Hindi ko din natanggap agad ang inaabot na bulaklak ni Christian.

Weird feeling pero parang napunta akong bigla sa awkward scenario na akala ko sa pelikula or teleserye lang pwedeng mangyari.

Hindi ko alam kung anong ikikilos ko towards Christian gayong ang alam ni Kim Paolo ay boyfriend ko siya.

Wrong move on Christian's part mabubuking ako ni Kim Paolo.

Isang mahabang katahimikan bago nagsalita ulit si Kim Paolo.

"Magpalit ka ng damit"!as usual, umiral na naman ang pagiging over protective niya. Naka short at sleeve less lang kasi ako.

The Thirty Year Old DealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon