Chapter 22 Marry Me Marry You

507 10 1
                                    

**Angie's Pov**

"What are you doing"?tanong ni Kim Paolo mula sa likuran ko. Hindi ko siya napansin na papalapit dahil busy ako sa kusina.

"Nagluluto ng breakfast"!casual kong sabi na pilit na iniiwas ang tingin kay Kim Paolo. Sure ako na nakakunot ang noo niya knowing na gumising ako ng maaga para magluto ng breakfast.

This is not the usual me! Madalas hindi na ako nakakapag breakfast before going to work kasi nga late na ako nagigising.

"Kelan ka pa gumising ng maaga para magluto?as expected, nakakunot ang noo ni Kim Paolo and obviosly nagpipigil siyang mangiti.

"Ayaw mo ba"?tanong ko sabay baling sa kanya ng tingin.

"Hey don't get me wrong baby! Hindi lang ako sanay"! Sabi niya sabay yakap sa bewang ko, napapitlag pa ako ng bahagya dahil sa gulat.

"Gusto mo mag-order na lang tayo?"mahina kong sabi, ang totoo kasi nailang ako bigla.

"Hey!I'm happy na you're doing this"!all smile na sabi ni Kim Paolo na iniharap pa ako sa kanya, so this time magkaharap na kami but still hawak niya pa din sa bewang.

"Your blushing"!may panunudyong Sabi ni Kim Paolo habang nakatitig sa akin.

"Wait! Baka masunog yung niluluto ko" sabi ko sabay talikod at harap sa stove. Ang totoo kasi gusto ko lang umiwas.

"Ouch"!mahina kong sabi, sa sobrang pagka un-easy ko napadikit ang wrist ko sa kawali.

"Hey careful"!Nahawakan nya agad ako sa kamay to check. Itinapat niya agad sa faucet yung part ng wrist ko na napaso para hindi maglapnos.

As always palagi siyang to the rescue.

"Malayo naman to sa bituka"!sabi ko nung pinapahiran na ni Kim Paolo ng toothpaste yung part na napaso.

"Next time be more extra careful"!

"Okey"!sabi ko sabay hila ng kamay ko na hawak nya.

Ewan ko ba pero hindi pa ako sanay, minsan nakakalimutan ko na boyfriend ko na si Kim Paolo.

"Ano bang naisipan mo at nagluto ka"?kunot ang noo pa ding tanong ni Kim Paolo.

"Ayaw mo ba"?sinadya kong hinaan yung boses ko.

"Mas ayaw kong napapagod ka baby"!all smile na sabi ni Kim Paolo.

"Paano ako matututo kung hindi ko sasanayin ang sarili ko sa mga gawaing bahay" yun ang naapuhap kong sabihin.

Alam ni Kim Paolo na hindi ako sanay sa gawaing bahay kasi nung high school nauubos ang oras ko sa pagiging student assistant sa library. After college, pinili kong mag trabaho agad para makatulong sa pamilya. So mas lamang talaga sa akin ang pagiging career woman.

Hindi sumagot si Kim Paolo instead ngumiti lang.

"Bakit nangingiti ka"?

"Preparing for the future"?he asked

"Yah! para kapag nagpakasal na tayo"!nagulat siya sa naging sagot ko kaya napatitig na lang siya sa akin at hindi naka-imik.

"Dun naman tayo papunta di ba?"Ewan ko kung bakit ko natanong yun pero hoping talaga ako na dun kami papunta.

Sa three days ng pagiging boyfriend and girlfriend namin wala na akong nakikitang magpapalit ng diaper ko in the future kundi si Kim Paolo.

"If you think na gusto mo na akong pakasalan, just let me know" seryosong sabi ni Kim Paolo.

"Wala pa tayong one week Kim Paolo kasal agad?" hindi ko ini-expect na yun ang isasagot nya.

"We've known each other for half of our lives so there's no reason para patagalin pa" all smile na sabi ni Kim Paolo.

The Thirty Year Old DealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon