Chapter 12 I love you Goodbye

1.3K 18 13
                                    

**Kim Paolo's Pov**

Bitbit ang dalawang tasa ng kape may pagdudumaling bumalik ako sa sala. Just like what I thought nakatulog na si Angie.

Nakatulog na siya sa sobrang pagad from our Valentine's date.

Hindi ko na alam kung gaano na ako katagal nakatitig kay Angie pero gusto ko lang yung pakiramdam na minamasdan ko siya habang tulog. Gusto ko din yung mabining tunog ng paghihilik niya.

I found it cute kahit na nakanga-nga pa siya.

I want to memorize every details sa mukha niya dahil ayaw kong may makalimutan.

Yung shape ng lips nya.

Yung bilang ng mole nya sa mukha.

Yung hugis ng ilong nya.

God I will miss her!!

Kung pwede lang akong mag-stay hindi ko gugustuhing bumalik pa ng New Zealand.

Pero kailangang umalis.

Dapat na akong umalis.

Damn I love this girl so much pero hindi ko masabi.

"I love you"!mahina kong sabi sa may punong tenga nya. Napatayo akong bigla ng maramdaman kong gumalaw siya.

Is there a chance na narinig niya yung huli kong sinabi?

**Angie's Pov**

"I love you" nag I love you si Kim Paolo sa panaginip ko.

Gusto ko sanang magmulat ng mga mata pero ayaw kong tapusin yung panaginip ko.

In my dreams, jowa ko si Kim Paolo.

Siya pa rin hanggang sa panaginip.

"Angie!"narinig kong tinatawag ako ni Kim Paolo sa pangalan ko.

"Sorry nakatulog ako"!sabi ko tsaka bumangon.

"Lumamig na yung coffee"he said, in a few seconds kalapit ko na siya sa sofa.

"Wala na akong taga timpla ng coffee" wala sa loob kong sabi.

"May nespresso ka naman dyan"!

"Wala na akong tagalinis ng carpet"!

"Tinuruan na kitang gamitin yung dyson vacuum di ba"?

"Wala na akong taga dala ng damit sa laundry"!

"Gamitin mo na yung bago nating washing machine" all smile niyang sabi.

"Paano na ako after today"?wala sa loob kong sabi tsaka humilig sa balikat ni Kim Paolo.

"Hindi ba sabi mo strong woman ka na! Sabi mo hindi na Ikaw yung clumsy Angie I knew from high school"

"But I'm still the same Angie na kailangan ang best friend nya"sabi ko nakahilig pa din sa balikat niya.

"I'll  be the proudest best friend dahil alam kong kakayanin mo kahit wala ako sa tabi mo"!

"Pero mas matapang ako kapag andito ka"!Alam ko kahit ano pa ang sabihin ko para pigilan syang umalis won't change the fact na babalik na siya ng New Zealand.

"Na-briefing ko na si Christian about sa mga tantrums mo"!

"Ewan ko sa'yo"!

"Alam na din nya ang sanitary napkin na gamit mo"!all smile na sabi ni Kim Paolo. Sa madaming pagkakataon kasi na nag grocery siya, alam na din nya yung mga personal kong ginagamit.

"Secret natin yun"!

"I can share secrets anyway!And besides boyfriend mo naman si Christian"

"Sana sinabi mo na din sa kanya na ikaw ang nagtutupi ng mga damit ko"!

The Thirty Year Old DealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon