Chapter 14 Araw Gabi

1K 21 10
                                    


**Angie's Pov**

"Good evening po Ma'am Angie, may nagpapabigay po sa inyo"!all smile na sabi ni Amang Mario habang inaabot sa akin ang isang bouquet ng sunflower.

I just came from work at napangiti ako nung fact na may nagbigay sa akin ng isang pumpon ng sunflower.

"Kanino po galing"?tanong ko kay Amang Mario sa pagbabakasakali na personal na ipinaabot.

"Dinala lang po ng delivery boy ng flower shop Ma'am" ani ni Amang Mario ang security guard na duty sa buong building.

"Ah Sige po! Salamat po"!nasabi ko na lang.

"Kung sinuman po ang nagbigay sa inyo Ma'am sigurado akong mahal ka talaga"!side comment pa ni Amang Mario kaya lalo akong na-curious.

Sa kilos nya kasi parang kilala nya kung sino yung nagpabigay.

"Baka po nakasulat yung pangalan niya sa card" yun na lang ang nasabi ko bago iniwan si Amang Mario.

"Uy sunflowers"!sabi ni Tita Liza nung magkasabay kami sa elevator. Kalapit unit naman siya kaya madalas kaming nagkakasabay sa elevator.

"Ipinaabot po kay Manong guard" nasabi ko na lang.

"You must be very special to the sender hindi biro ang halaga ng sunflower" all smile na sabi ni Tita Liza. Obvious kasi sa flower arrangement na hindi sa basta bastang flower shop lang binili.

Sasagot pa sana ako kaya lang bumukas na yung pinto ng elevator.

"See you around Angie"baling na sabi ni Tita Liza nung tumigil na siya sa unit niya.

"Yes po Tita"!yun lang at naglakad na ako papunta sa unit namin ni Kim Paolo.

And then again I feel alone. I've been alone for almost 7 mos.pero hindi pa din ako nasasanay ng nag-iisa.

Araw-araw ko pa ding naiisip si Kim Paolo.

Araw araw kong iniisip what went wrong between us. Iniisip ko ang mga possible reason kung bakit itinapon lang niya lahat ng pinagsamahan namin.

Pero till now hindi ko mahanap yung sagot.

Ilang gabi ko ding iniyakan yung thought na baka hindi na kami mabalik sa dati.

Kaya kahit gusto kong umasa na si Kim Paolo yung nagpadala nung sunflower ako na din yung   sumasaway sa sarili ko.

Bakit ako bibigyan ng isang tao na wala namang pakialam sa akin?

"Hope you like the flowers" malakas kong basa sa note na nakasulat. But to my dismay walang nakasulat na pangalan ng sender.

Mas lalo tuloy ang na-curious.

Kung ibang klase ng bulaklak yung natanggap ko hindi ako magiging ganito ka curious.

Pero dahil sunflower is one of my sign I want to know kung sino yung nagpadala.

Hindi ko na alam kung naka-ilang ayos na ako ng sunflower sa flower vase pero hindi ko pa din sya mabitaw bitawan.

Para kasing familiar yung flower arrangement niya at parang galing sa same flower shop na binilhan ni Kim Paolo nung birthday ko.

Nakakatawa na binulabog ng mga sunflowers ang gabi ko.

Nakakainis na kahit alam kong impossible na kay Kim Paolo galing
but at the back of my mind pinagpi-pray ko na sana si Kim Paolo yung nagbigay.

Na sana siya yung nagpadeliver.

"Hello good evening this is Angie Cayetano, may nagsend sa akin ng bouquet of sunflowers pero anonymous yung sender pwede ko bang malaman kung sino yung nagpadala" out of curiosity tinawagan ko yung flower shop.

The Thirty Year Old DealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon