Chapter 3 Unlocked

1.4K 9 0
                                    

**Angie's PoV**

"Sino yung naghatid sa'yo"?tanong ng 16 year old kong kapatid na si Joshua ng salubungin ako sa gate pa lang.

"Kaibigan ko"!casual kong sagot. Nag insist kasi si Christian na ihatid ako after naming mag coffee at hindi ako nakatanggi.

"Alam ba ni Kuya Pao ang tungkol sa kanya"?nakakatawa na todo interogate ang bunso namin.

"Hindi"!

"Boyfriend mo ba yun"?ayaw talaga ako tantanan ni Joshua na kahit na nasa salas na kami yun pa din ang tinatanong.

"Sabi ng hindi ih"!!natatawa kong sabi .

"Hindi pa?Pero sasagutin mo siya kapag nanligaw sa'yo"? gusto ko na lang matawa sa mga tanong ni Joshua.

"Eh ano naman sayo kung maging boyfriend ko siya"?hinayaan ko na lang na isipin dito sa bahay na may manliligaw ako.

"Si Kuya Pao lang ang para sa'yo ate"sabi ni Joshua, obviously si Kim Paolo lang ang gusto niya for me.

"Tatandang dalaga na talaga ako"!

"Basta wag ka ng mag entertain ng iba" sabi pa ni Joshua.

"Ang unfair mo"!nasabi ko na lang.

"Isusumbong kita kay Kuya Pao"

"Puntahan mo sa New Zealand" yun lang nasabi ko bago iniwan si Joshua sa salas. Hindi ko naman masisi kung bakit gustong gusto ni Joshua si Kim Paolo for me. Nakalakihan kasi ni Joshua na si Kim Paolo yung palagi kong kasama. Madalas din may dalang pasalubong kay Joshua si Kim Paolo kaya close sila.

"Bakit bago ka lang"?tanong ni Nicole nung magkasalubong kami sa may dining.

"Nagsimba ako"!

"Hindi mo tuloy naabutan yung bisita"all smile na sabi ni Nicole.

"Bisita?Sino"?kunot ang noo kong tanong, kaya pala andaming food sa mesa.

"Si Mommy at Daddy yung may kakilala" yun lang at iniwan na ako ni Nicole sa dining table.

Weird pero parang yung scent ng pabango ni Kim Paolo yung naaamoy ko.

"Susme! Lahat na lang ba relate kay Kim Paolo Angie"!mahina kong bulong sa sarili habang nililigpit yung mesa.

I'm too busy kaya nagulat pa ako ng magsalita si Jason. Nakalapit na pala siya ng hindi ko napapansin.

"Ate"?tawag niya sa akin.

"Bakit"?tanong ko na bahagyang itinigil ang ginagawa.

"May ini-expect ka bang bisita today"?tanong ni Jason.

"Wala"! Tulad ng dati magluluto lang si mommy ng pansit at ibibili lang ako ng cake.

"Samahan mo na lang ako sa party na pupuntahan ko"sabi ni Jason.

"Ayoko"!madiin kong sabi.Wala akong hilig sa mga party party.

"Mabilis lang tayo!Ayoko lang magmukhang tanga dun"!

"Si Nicole na lang ang isama mo"

"May trabaho daw siyang uwi"

"Huwag ka na lang pumunta"!sabi ko.

"Birthday party ng Head Engineer namin yun Ate! Baka pag-initan ako kapag hindi ako nagpunta sa party nya"

"Humanap ka na lang ng iba"

"I'm running out of time Ate"

"Ayoko"! Wala akong planong umalis ng bahay dahil hoping ako na tatawag si Kim Paolo.

The Thirty Year Old DealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon