Chapter 4 Walang Tayo

1.3K 11 0
                                    

**Angie's Pov**

"You look good" sabi ni Kim Paolo kasunod ng pag assess niya sa hitsura ko. He look at me from Head to Toe, and sobrang memorize ko na yung kilos nya na ganun. Siya ang critic ko pagdating sa pananamit. Ayaw niyang nagsusuot ako ng too revealing and too sexy na damit.

"Thank you"nasabi ko na lang, ang totoo kasi naiilang ako sa klase ng titig niya.

"You've changed" sabi ni Kim Paolo.

"Ha?Ako pa din to"!sabi ko sabay iwas ng tingin.

"Ganyan siguro talaga kapag may boyfriend"pormal na sabi Kim Paolo, he's too serious.

"Boyfriend"?kunot ang noo kong tanong. Wala akong matandaan na sinabi ko sa kanya na may boyfriend na ako.

"I saw you with a guy sa simbahan kanina"?

"Andun ka"?

"Yah"!

"Bakit hindi mo ako nilapitan"? tanong ko pero imbes na sumagot siya sa tanong ko iba yung naging sagot niya.

"Matagal na kayo"?pormal pa rin si Kim Paolo.

"ni Christian"?patanong kong sabi.Hindi ko alam kung bakit naisip ni Kim Paolo na boyfriend ko yung lalaking kanina ko lang nakilala.

"Bagay kayo"!

Sasabihin ko bang hindi ko boyfriend ang Christian na yun?or hahayaan ko na lang siya sa mali niyang paniniwala.

"May boyfriend ka na pala, hindi mo man lang sinasabi"

"Kakasagot ko lang sa kanya today" hindi ko alam kung bakit ko sinabi yun pero gusto kong ma uplift yung pride ko.

Ayokong malaman niya na 30 na ako pero single pa din.Okey na ako sa mali niyang paniniwala na taken na ako. Kaysa isipin niya na umaasa ako sa 30 year old deal namin.

"Talaga ba?"Ewan ko kung mali ako pero parang sarcastic ang tono ni Kim Paolo.

"Yah"!sabi ko sabay iwas ng tingin kay Kim Paolo. Ayokong mahalata niya na nagsisinungaling ako.

"Kailan mo siya ipapakilala sa akin"?

"Soon"!nasabi ko na lang.

"How soon"?

"Maybe kapag hindi na siya busy" wala na akong choice kundi gumawa ng kwento. Kailangan kong panindigan yung kwentong ginawa ko.

"Happy ka"? seryosong tanong ni Kim Paolo habang seryosong nakatingin sa akin.

"Yah"!

"Akala ko ayaw mo lang makipag 30 year old deal sa akin kaya mo siya sinagot" in a casual voice ay sabi ni Kim Paolo pero pakiramdam ko umakyat ang lahat ng dugo ko sa ulo, hindi ko naisip na sasabihin niya ang tungkol dun.

"Of course not! Nataon lang na dumating si Christian sa buhay ko in time on my 30th" naapuhap kong sabi hin.

"Or maybe ayaw mo lang talaga sa akin" hindi ko alam kung seseryosohin ko ba yung mga hirit ni Kim Paolo pero I decided not to take it seriously, baka mamis- interpret ko pa yung sinasabi niya.

Baka isipin ko pang ayaw niyang magka boyfriend ako dahil gusto niyang maging kami.

"Siguraduhin lang ng Christian na yan hindi ka sasaktan or else"bitin na sabi ni Kim Paolo.

"Or else what"?

"Babawiin kita sa kanya"! seryosong sabi ni Kim Paolo. And wow wala na akong naisagot.

"He promised not to break my heart" patawarin ako ni Lord sa mga kasinungalingan ko pero kailangan ko talagang gawin.

"I have 1 question lang" kapag dakay sabi ni Paolo.

The Thirty Year Old DealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon