Chapter 10 First Sweet Dance

1.1K 20 5
                                    

**Angie's Pov**

"Maganda ba"?tanong ko kay Kim Paolo habang nakataas ang black dress na binili ko kahapon.

"Yan ang susuotin mo sa party"?kunot ang noong tanong ni Kim Paolo habang nakatingin sa black dress na hawak ko.

"Yah"!

"Humanap ka na lang kaya ng ibang isusuot"?makulimlim ang mukhang sabi ni Kim Paolo. It means hindi niya nagustuhan ang damit na napili ko.

"Okey naman ah"? antagal kong nag-ikot sa mall bago napili ang evening dress na'to tapos hindi niya ipapasuot sa akin.

"Lalabas na ang cleavage mo jan"!seryosong sabi ni Kim Paolo.

"Tatakpan ko ng shawl"!giit ko.

"That's too revealing nga!"hindi pa din kumbinsidong sabi ni Kim Paolo.

"Eh anong isusuot ko"?

"Yung simple Lang!Para kang magpapa seksi dyan sa binili mo"!

"Ha?paseksi na to sayo?"sabi ko habang nakataas ulit ang black velvet Spaghetti dress na above the knee. Too revealing pero I know I can handle myself kapag suot ko na. Lalagyan ko na lang sya ng shawl para magmukhang elegante.

"Tara sa mall habang may time pa para bumili!" Hindi niya talaga ipapasuot sa akin yung evening dress na binili ko. Magkasundo kami sa madaming bagay pero madalas naming pagtalunan yung mga isinusuot ko.

Ayaw nya ng naka-short ako.

Ayaw nya ng nagka- crop top ako.

At mas lalong ayaw niya ng dress na halos labas na ang cleavage ko.

"Ito na talaga ang isusuot ko"!papanindigan ko na lang yung damit na binili ko.

"Mamili na lang tayo sa mga ibang damit sa drawer mo!"giit pa din ni Kim Paolo.

"Sa party ako pupunta Kim Paolo hindi sa binyagan"!bigay katwiran ko. Karamihan kasi sa mga dress ko, parang pang Sunday dress lang. Yung tipo ng damit na sinusuot kapag nagsisimba.

"Kung alam ko lang na papayagan ka ni Christian na bumili nyang ganyang klaseng damit, nag chaperone na lang sana ako sa'yo kahapon para ako ang namili ng isusuot mo"!nakasimangot pa ding sabi ni Kim Paolo.

"Kering Keri to!" sabi ko pa na inilapat ang damit sa katawan ko tsaka umiikot ikot. Gusto kong mas lalong mainis si Kim Paolo.

"Angie Cayetano"!malakas na bigkas sa pangalan ko.

"What"?pigil ang ngiti kong sabi.

"Ayoko nga na yan ang idiot mo"!he said in a high pitch tone.

"Bakit"?

"Paseksi nga masyado"!

"Bakit ka nagagalit"?

"Hindi ako galit, gusto ko lang what's best for you"!Ayoko lang na mabastos ka"!

"Wala naman sa damit yun Kim Paolo!Hindi naman siguro ako kabastos bastos para bastusin dahil lang sa suot ko"

"Okey fine! Kung gusto mo talagang isuot yan go ahead"! yun lang and he walked away.

Akala yata ni Kim Paolo teenager pa din ako na kailangan niyang palaging protektahan.

When it comes to my actions nakakalimutan ni Kim Paolo na 30 years old na ako.

The Thirty Year Old DealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon