Chapter 18 Wife Material

1.4K 23 18
                                    


**Angie's Pov**

Ilang katok mula sa nakapinid na pinto bago ako nagbukas ng pintuan.

Nabungaran ko ang pumupungas pa ding mukha ni Kim Paolo and obviously kakagising lang din nya.

"Good morning! Mali-late ka sa work"!sabi niya. Part of his daily routine yung gisingin ako. Kahit hindi niya naman obligasyon, he always find time na gisingin ako just to make sure na hindi ako ma-late sa trabaho.

"Ang sakit ng puson ko Kim Paolo"! naiiyak kong sumbong. Monthly din syang taga absorb ng dilemma ko sa tuwing susumpungin ako ng dysmenorrhea.

"Anong gusto mong gawin ko"?tanong niya na nakasunod na pala sa loob ng room ko. Nilapitan pa niya ako sa gilid ng kama habang namimilipit ako sa sakit.

"Every month ka na lang ganyan"!sabi ni Kim Paolo na halata sa mukha ang pag-aalala. Bahagya pa niyang hinimas ang buhok ko na akala mo matatanggal niyon ang sakit na nararamdaman ko.

"Magpa-check up ka na kaya sa ob-gyne"?sabi ni Kim Paolo na halata pa din ang pag-aalala. As always palagi siyang andyan para sa akin.

"Not now! Madami akong pending na trabaho sa office"

"Tumawag ka sa HR department para inform sila na hindi ka muna papasok"!authoritative na sabi ni Kim Paolo.

And he's always like that!

Mapagdesisyon minsan!

"Not now Kim Paolo may mga deadline ako na need kong tapusin"!apila ko.

"And you think sa current status ng katawan mo kaya mong mag-trabaho"?kunot at mataas ang tonong sabi ni Kim Paolo.

"Pero may deadline nga ako ngayon"!insist ko.

"But you need to pay attention also sa health mo" kunot ang noo pa ding sabi ni Kim Paolo.

"Ikaw na nga ang bahala"!and ayun na nag-walked out na naman siya.

7 am na! That's the exact time nung tingnan ko ang oras sa suot kong relo. Kung wala akong dealine sa trabaho, hindi talaga ako papasok kaya lang kailangan.

"Ayoko na"!mahina kong sabi habang nakadapa. Every month na lang yata patindi ng patindi yung sakit.

"Kim Paolo! Kim Paolo!"tawag ko sa pangalan niya. Hindi na kasi siya bumalik kaya naisip ko na badtrip pa sya.

Or maybe wala talaga siyang pakialam sa akin.

Tatlong sunod sunod na katok mula sa labas bago iniluwa niyon ang pawisan na si Kim Paolo.

Bigla para akong na-guilty! Na missed judge ko kasi siya agad.

"Kumain ka muna"!sabi niya sabay lapag ng isang bowl ng noodles. Tinulungan nya pa akong bumangon sa kama para maisandal sa head board.

"Kaya ko na"!sabi ko sabay agaw sa kanya ng kutsara. Nakakahiya naman kung susubuan niya pa ako.

"Inumin mo to after mong kumain"!tukoy niya sa isang tableta ng kilalang pain reliever.

"Thank you!" wala na kasi talaga akong masabi.

"Tapusin mo na yan then get dress para maihatid na kita sa trabaho"!sabi niya bago pinihit ang seradura ng pinto para lumabas ng room ko.

Ayaw ko sanang magpahatid kaya lang alam ko naman na hindi siya papayag might as well na magpahatid na lang.

**Kim Paolo**

"Mommy, anong magandang gawin kapag sumasakit ang puson ng girls"? weird pero kinailangan kong tawagan si Mommy just to asked that girl thing.

"Sumasakit ang puson ni Angie"?tanong ni Mommy.

The Thirty Year Old DealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon