Chapter 9 On his 30th

1.2K 14 9
                                    

**Angie's Pov**

"Birthday na ni Kim Paolo bukas" all smile na sabi ni Mhaya.

"So?

"Thirty na din siya"makahulugang sabi ni Mhaya.

"Eh ano naman"?

"So magiging kayo na"?tanong ni Mhaya. Sa madaming beses naming paglabas ni Mhaya nasabi ko sa kanya ang about sa deal namin ni Kim Paolo na iilan lang ang nakaka-alam.

"No"!

"Single ka, single sya so there's no reason para hindi matuloy yung deal"

"Walang ganun Mhaya!"

"Di ba malinaw naman yung deal kapag single kayo pareho when you reach the age of 30 it means kayo na"!

"Christian exist remember"?

"Pero technically single ka pa din"!

"Pero 'boyfriend' ko si Christian" nasabi ko na lang.

"You and your lies"! naiiling na sabi ni Mhaya.

"Better na din to para less complications"

"Bakit ayaw mo"?mahinang tanong ni Mhaya. I understand na kaya niya pinu-push yung deal kasi gusto niya kami ni Kim Paolo ang magkatuluyan.

"As I've said it was nothing serious!It was just a verbal agreement!Kaya hindi dapat sineseryoso" casual kong sabi sabay iwas ng tingin kay Mhaya. Ayaw kong makita niya ang lungkot sa mga mata ko.

"Hindi nyo na napag-usapan ulit"?

"Nope"!maikli kong sagot.

"Bakit"?

"Kasi nga hindi naman seryoso! Saan ka naman nakakita ng dalawang magka- ibigan na nag compromised ng isang ganun kaseryosong bagay"!

" Joke lang ba talaga para sa'yo"?tanong ni Mhaya.

"Yah"!maikli kong sagot.

"What if seryoso pala siya"?

"May nililigawan na siya and sure ako na sasagutin siya nung girl"!

"Paano ka nakakasigurado na sasagutin siya"?

"Dahil  kamahal mahal si Kim Paolo!"

"Kung kamahal- mahal siya bakit ayaw mong ilaban"?

"Kasi from the start alam ko naman where I stand sa buhay nya"!

"Naipakilala na ba niya sa'yo yung girl"?tanong ni Mhaya.

Umiling ako bilang sagot. Ang totoo kasi nung nagtanong lang si Mhaya tsaka ko lang narealized na hindi pala kinuha ni Kim Paolo yung approval about his girl.

Sanay kasi ako na pinapakilala niya muna sa akin yung girl bago niya ligawan.My opinion matters pero madalas nasa kanya pa rin ang huling desisyon.

"He must be really serious about this girl na hindi niya kinonsider yung opinion mo"!nangingiting sabi ni Mhaya.

"Hindi lang siguro talaga kailangan ang opinion ko this time, baka he really think na siya na for him"!

"Baka daw makagulo ka pa"!alam kong biro lang yun para kay Mhaya kaya hindi ko na lang pinansin.

"Baka kontrahin ko pa kasi kapag hindi ko nagustuhan yung babaeng dini-date nya"

"Haays sayang"!sabi ni Mhaya kasabay ng malalim na buntong hininga.

"Sayang ang alin"?

"Malaking sayang kapag hindi kayo ni Kim Paolo ang nagkatuluyan"!sabi ni Mhaya na nakalagay pa ang dalawang kamay sa magkabila niyang pisngi.

The Thirty Year Old DealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon