Chapter 15 Kasal-Kasalan

1.2K 18 12
                                    

**Angie's Pov**

"Parang ayaw ko ng tumuloy"wala sa loob kong sabi nung nasa labas na kami ng St. Andrew Academy. 6 pm yung call time pero 7:00 pm na nagkukulitan pa din kami ni Kim Paolo kung aatend kami.

Hesitant kasi talaga ako. After almost 15 years makikita namin yung mga ka-batch namin ng high school.

"Andito na tayo!"sabi ni Kim Paolo na hinawakan pa ako sa kamay.

"Tutuksuhin na naman nila tayo" sabi ko habang nakatingin kay Kim Paolo.

"Matagal na nila yung ginagawa sa atin hindi ka pa din sanay"!all smile na sabi ni Kim Paolo.

True enough sinced high school pinu-push na ng lahat na kami ni Kim Paolo yung magkatuluyan.

Alam sa buong batch na best friends kami kaya madalas kami yung tampulan ng tukso.

"Ang Awkward kasi eh"!nasabi ko na lang. Kahit kelan hindi ako masasanay na tinutukso ako kay Kim Paolo.

"Ako ang bahala sa'yo"!sabi ni Kim Paolo bago nagsimula ng humakbang, at dahil hawak nya yung kamay ko wala akong choice kundi ang sumunod.

"Uy andito na ang ultimate best friends ng batch natin" sabi ni AC nung papasok na kami ng hall.

And again, tuksuhan na yung sumunod.

"Best friends pa rin ba"?malakas na sabi ni Roden na number one bully nung high school.

Sinubukan kong bumitaw sa kamay ni Kim Paolo pero ayaw niya akong bitawan instead pinisil pa niya ang kamay ko.

"Naiinip na ba kayo"?nagtatawang sabi ni Kim Paolo para sakyan yung mga panunukso ng buong batch.

"Fifteen years in the making na yang love story nyo ah"!sabi ulit ni Mark.

"Darating din tayo sa part na pinakahihintay nyo tiwala lang" sabi ni Kim Paolo kaya nagtawanan ang lahat.

"Andun sila Mhaya sa dulo"! turo ko sa table nung mga high school friends namin.

"Mauna ka na dun susunod ako"!pabulong na sabi ni Kim Paolo sa may punong tenga ko.

And again para akong kiniliti sa init ng hininga nya na dumampi sa may tenga ko.

"Puntahan mo agad ako dun ha"!sabi ko tsaka ko binaybay ang gilid ng bulwagan.

"Akala namin hindi na kayo darating "!sabi ni Julienne. Part din sya ng barkada namin na naka base sa America.

"Ayaw ko sana kaya lang mapilit si Kim Paolo"!sabi ko sabay sulyap sa pwesto ni Kim Paolo na abala sa pakikipag usap kay Neriza.

"Ang landi talaga"!mahina kong sabi. Matagal na kasing may gusto si Neriza kay Kim Paolo.

"Selos yorn"?tanong ni Mhaya sa kalapit ko.

"Hindi ah"!tanggi ko.

"Weh hindi nga"?halos sabay sabay na sabi nung mga kasama ko sa table.

"Ano na ba talaga ang real score sa inyong dalawa ni Kim Paolo"?tanong ni Julienne na tila kinikilig.

"Best friends pa din"! casual kong sabi.

"Ayaw nyo na talagang i-level up"?singit naman ni Rosemarie ang athlete sa barkada namin.

"We're better off as friends" sabi ko tska sinulyapan ulit si Kim Paolo. Hindi na talaga sya nilubayan ni Neriza. Bigla parang gusto ko siyang sunduin at ilayo sa babaeng yun.

"Hindi mo talaga sya type"?tanong ni Joan na tulad pa din ng dati bubbly and chubby.

"Tigilan nyo na kami ni Kim Paolo at hindi mangyayari yung mga gusto nyo"!

The Thirty Year Old DealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon