Chapter 19 Assurance

1.2K 16 17
                                    


**Angie's Pov**

"Bakit dito"?tanong ko kay Kim Paolo ng itigil niya ang kotse sa isang sikat na hospital.

Saturday ngayon at wala akong pasok. He asked me to accompany him sa business meeting daw but unfortunately ginawa lang niyang dahilan para mapapayag niya akong sumama.

"Napa-schedule na kita for your check-up"!Napatingin akong bigla kay Kim Paolo, wala siyang sinabi sa akin about the check-up.

"Bakit hindi mo agad sinabi"?

"Knowing you alam kong hindi mo ipa-priority ang pag- consult sa doctor. He knew na takot ako sa hospital and napa-paranoid ako tuwing nagpapa check up.

"Pero sana sinabi mo pa din para na-iready ko yung sarili ko" mahina kong sabi. Parang sasabog ang puso ko sa sobrang kaba.

"Pagtatalunan pa ba natin to Angie"?casual na tanong ni Kim Paolo na obvious na nagpipigil ng inis.

"Okey fine!Panalo ka na naman" nasabi ko na lang. Hindi naman kasi ako mananalo kay Kim Paolo.

"Good!"sabi pa ni Kim Paolo bago hinawakan ako sa ulo at ginulo ng bahagya ang buhok ko.

"Kinakabahan ako" amin ko, hindi ko nga magawang bumaba ng kotse.

"I'm here!"he said bago ako hinawakan sa kanang kamay.

"Let's go"!sabi ko sabay bitaw sa kamay nya at dumiretso na ng baba sa kotse. Naiwan ko na si Kim Paolo sa parking, tinawag lang niya ako kaya ako tumigil sa paghakbang.

"Why"? tanong ko sabay lingon sa kanya. Inilang hakbang lang niya ang pagitan namin bago ko naramdaman na ginagap nya yung kanang kamay ko.Naramdaman ko pa nung bahagya niyang pisilin iyon.

Wala kaming imikan until tumigil si Kim Paolo sa tapat ng nakasaradong room.

Dra. Abby Realeza yung nakalagay na name sa gilid na bahagi ng wall.

"Relax"!baling niyang sabi sa akin bago niya pinihit ang door knob.

"Good morning po"magalang na bati ng sekretarya na sumalubong sa amin.

"We have a 10 am appointment" si Kim Paolo yung sumagot.

"For Mr.Kim Paolo Feliciano po"?patanong na sabi nung babae.

"Yah"!hinayaan kong si Kim Paolo yung makipag-usap dun sa babae. Sa sobrang kaba ko kasi parang hindi ako makakasalita.

"Misis nyo po"?tanong nung sekretarya na sa akin nakatingin.Nangiti na lang ako sa thought na napagkamalan kaming mag-asawa ni Kim Paolo.

Akala niya siguro we came for a pre-natal check-up.

"Hindi"!casual na sagot ni Kim Paolo.

"Ah Girlfriend pa lang"!This time akala naman niya na nabuntis ako ng boyfriend ko.

"We're best friends"casual na sabi ni Kim Paolo.

"Mag best friend lang po"? parang ayaw pang maniwala nung sekretarya. Imbes na mainis ako sa reaction niya napangiti na lang ako ulit.

This is not the first time naman na napagkamalan kaming mag jowa ni Kim Paolo ang pinagkaiba lang ngayon eh andito kami sa check-upan ng mga buntis na usually mag-asawa or mag jowa ang nagpupunta.

"Yah"!si Kim Paolo ulit yung sumagot. Siya na din yung sumagot sa mga details na kailangang i-fill up sa form.

"Sana all may best friend na kagaya mo sir"!tila kinikilig na sabi nung sekretarya.

"We support each other sa madaming bagay"! all smile na sabi ni Kim Paolo.

"Hindi po kasi usual na best friend na lalaki ang kasama sa mga check-up namin dito sir, mag best friend na babae madami pero kayo pa lang yata yung lalaki na sumama sa check-up ng best friend nya for a pre natal check up" mahabang sabi nung sekretarya. Obvious yung pagka amazed niya kung paano namin suportahan ni Kim Paolo ang isa't isa.

The Thirty Year Old DealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon