Chapter 2 Real Status

1.5K 18 0
                                    

** Angie's Pov**

"Happy Birthday"!bati ni Tita Mercy nung magkasalubong kami sa labas ng simbahan.Bunsong kapatid siya ng Daddy ko na nasa mid fifties ang edad.

"Thanks Tita"sabi ko sabay beso sa kanya. Madalang kaming magkita dahil sa Maynila ako nagta-trabaho.

"Mag-isa ka lang"?tanong ni Tita Mercy na parang nagtaka pa na wala akong kasama na magsisimba.

"Yes po"!casual kong sagot.

"Hindi kayo magkasama ni Kim Paolo"?kunot ang noo pa niyang tanong.

"Kim Paolo?Nasa New Zealand siya Tita" patay malisya kong sabi kahit na takang taka ako sa kilos ni Tita Mercy. Nabanggit ko sa kanya last time na sa New Zealand na nakatira si Kim Paolo kaya nakakataka na tinatanong niya kung kasama ko si Kim Paolo.

"Ha? Eh nag--"! Hindi na niya naituloy ang sasabihin niya dahil nagkamapana na ulit, hudyat na magsisimula na ang 2nd mass.

"Papasok na po ako sa loob" paalam ko na, sabay beso ulit kay Tita.

Upon entering the church, hindi ko maiwasan na makaramdam ng lungkot. Hindi maiwasan na maisip ko si Kim Paolo. Dito sa Cathedral kami madalas magsimba noon.

Every Sunday, susunduin nya ako para sabay kaming magsisimba.

Kaya basically may significance sa akin ang simbahan na ito, and with that dito sa Cathedral ang dream church ko on my wedding day.

Weird pero ilang beses ko ng na-picture ang sarili kong ikinakasal sa simbahan na ito.In my wild imagination, na-picture ko ang sarili kong naglalakad sa aisle habang naghihintay si Kim Paolo sa harap ng altar and it all started nung mag settle kami dun sa 30 year old deal.

Yes si Kim Paolo na yung napicture kong maging groom ko not until last night nung sinabi niyang natagpuan na niya yung babaeng para sa kanya.

Funny na yung na-vision kong kasal might happen pero hindi ako yung 'bride'.

"Peace be with you"!nagulat pa ako nung magsalita yung lalaki sa kalapit ko. Half way na pala yung on going mass ng hindi ko namamalayan. Masyado na palang na-okupa ang utak ko.

"Peace be with you" wala sa loob kong sabi.

"Alone"?tanong nung lalaki.

"Yah"!maikli kong sagot.

"Nag break na kayo"?casual na tanong nung lalaki.

"Excuse me"?patanong kong sabi, hindi ko kasi na-gets yung tanong niya.

"Sorry for asking pero madalas kitang makita na mag-attend ng mass dito kasama yung mataas na lalaki" sabi pa nung lalaki na nakasenyas pa yung kamay sa kung gaano kataas si Kim Paolo.

"Hindi ko siya ex"!maikli kong sagot,sure ako na si Kim Paolo yung tinutukoy Niya.

"So hindi pa kayo break"?parang napahiyang bigla yung lalaki. Nun ko lang na-gets na akala niya may something romantic between sa amin ni Kim Paolo.

"Hindi din"

"Mag-asawa kayo"?kunot ang noong tanong ulit nung lalaki. Gusto ko siyang suplahin pero naisip kong curious lang siguro siya sa real status namin ni Kim Paolo.

"Hindi"!madiin kong sabi.

"Bakit palagi mo siyang kasama"?tanong ulit niya na para bang hindi kumbinsido sa naging sagot ko.

"Seryoso ka na gusto mong malaman ang real status namin"?hindi ko napigilang itanong.

"If okey lang sayo" he said.

The Thirty Year Old DealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon